DIANE’s POV Kasal na kami ni Shadon. Hindi na kami basta mag-boyfriend lang na kapag ginusto kong makipaghiwalay ay ganoon lang kabilis. Kasal kami at matagal ang proseso kung ipapawalangbisa ang kasal namin. Nagulat ako at na-shock sa nalaman ko. Pero may ipinakitang ebidensya ang asawa ko at kung papanoorin ang video, wala siyang kasalanan. Itong malanding si Livia lang talaga ang gustong gumawa ng gulo. Nangyari rin ito ay noong hiwalay kami ni Shadon. Kaya paulit-ulit ang tanong ko sa aking sarili kung dapat ba akong magalit sa Mister ko? Niloko ba niya akong talaga? Kinausap na niya sina Mommy at Daddy, bago niya sana sabihin sa akin? Hindi ko alam, naguguluhan ako pero mas lamang ang gusto ko munang iproseso ang lahat. Okay na muna ako sa part na walang nangyari talaga sa kani

