DIANE’s POV “Misis, sigurado ka, kaya mong pumasok?” puno ng pag-aalala ang boses ng aking asawa. Kami na lang ulit ang nandito sa bahay. Umuwi na sina Mommy Sophie at Daddy Aki sa Manila kasama sina Shadie. Nagpalipas din sila ng ilang araw rito at sa panahon na iyon ay um-absent ako sa trabaho dahil pilit na sinasabi ng aking Mister na magpahinga ako. “Mister, okay na po ako. Hinahanap ko na ang trabaho ko.” “Misis, tatlong baby ang nasa tiyan mo. Hindi ka ba mahihirapan niyan?” Ngumiti ako sa kaniya. Masyadong advance ang Mister ko. Hindi ko alam kung dala ba ito ng kaniyang ka-excited-an. “Hindi pa naman ito malaki, Mister ko. Para pa lang silang isang pea kaya hindi pa sila mahirap dalhin. Kapag tumuntong sa five to six months, magsisimula na silang bumigat. Pero may nabibili

