SHADON’s POV Hindi ako makapaniwala sa klase ng pinaglilihihan ng aking Misis. Hindi naman siya magbubuntis kung hindi ko ipinasok sa kaniya iyon. Ngayon, ayaw na akong papasukin, kahit ang pasabayin sa paliligo. Naihatid ko na siya sa ospital na pinapasukan niya. Kahit ayaw ko siyang payagan ay mapilit talaga. Kung noon ang pangarap niya ay magtrabaho sa ibang bansa at mag-ipon ng maraming pera – ngayon hindi na. Ang pangarap niya ay magtrabaho siya at makapagsilbi sa aming mga kababayan. Kahit na lumabas pa ang triplets ay itutuloy pa rin daw niya ang pagiging nurse sa ospital. Ibibigay ko lang ang gusto niya dahil nandito lang naman siya. Kaya sana, pinagbibigyan niya rin ako. Nito na lang naman siya hindi pumayag, simula nang malaman namin na buntis siya. Nandito ako ngayon sa

