DIANE’s POV Naaawa ako sa asawa ko. Hindi ko na siya pinapatabi sa higaan. Kapag wala siya sa tabi ko, hinahanap ko siya pero kapag lumapit siya biglang nagbabago ang mood ko. Kahit sa paghahatid niya sa akin sa trabaho, nasa unahan siya nakaupo sa tabi ng driver habang ako mag-isa sa likuran. Hindi rin siya makahalik, flying kiss na lang. Dahil ngayon pa lang ako nagbuntis, ngayon ko lang din naramdaman ang ganitong feeling. Kakaiba at ayaw kong ganito. Sana matapos na itong paglilihi ko. Sa pagkain naman ay hindi ako mapili, tulad pa rin ng dati. Si Shadon lang talaga ang apektado. Mabuti nga at abala na siya sa kanyang mga meeting de avance. Sa gabi ay diretso na siya sa silid na kaniyang ginagamit at matutulog na lamang siya. Hindi na niya ako kinukulit. Alam na niya na wala rin nam

