DIANE’s POV Kasabay ko sa sasakyan si Daddy Aki at Gerald. Sa likod kami ni Daddy Aki at si Gerald sa tabi ng driver. “Hija, huwag kang matakot, just relax. May mga tauhan akong magbabantay sa inyo. Ako na ang makikiusap sa iyo, na kung maaari ay mag-file ka muna ng leave, habang pinag-aaralan pa namin ang pangyayari. Para ito sa safety ninyong mag-iina.” Natakot ako sa nangyari para sa asawa ko at sa mga kasamahan niya. Pero tama si Daddy, hindi dapat iyon ang maghari sa akin. “Kung iyon po ang makakabuti, sige po.” Sang-ayon ko kay Daddy Aki. Ang daming messages din ang pinadala ng aking magulang. Nalaman na nila ang pangyayari. Kumalat na siguro ito, hindi lang dito sa bayan namin kundi sa iba pang bayan at Manila. Madali na lang magpakalat ng balita ngayon. Naroroon pa nga ang

