SHADON’s POV Sa bahay nina Wowa at Wowo ko inihatid si Diane. Muntikan ko na ngang makalimutan na ihahatid ko lang siya. At hindi ako kasama na papasok sa loob ng bahay. “Mister, bakit ka papasok? ‘Di ba, hindi ka na naman mag-a-apply?” sita ng aking Misis. “Oo nga pala, nakalimutan ko, Misis. Aalis na pala ako.” Hindi tuloy ako naka-kiss sa kanya bago kami bumaba ng sasakyan. Hindi ko rin magawa siyang simplehan ng halik dahil may katulong na naghihintay na sa kanya. Napakamot na lamang ako ng ulo. Parang may kuto lang. “Ingat ka, Mister ko. Tawagan na lang kita kapag uuwi na ako.” Nag-flying kiss na lang ang Misis ko. Kahiya naman kung hilahin ko pa siya sa loob ng kotse para makahalik lang ako. Nakita ko na rin na lumabas ng kabahayan ang kapatid kong si Shadie. Hindi nga siya ma

