SHADON’s POV Kalokohan din talaga ng mga kapatid ko. Okay na iyong ginawang account ni Shalom at advertisement. Okay rin ang ginawang pakikipag-usap ni Shadie. Pero wala sa usapan namin na kinabukasan na pagre-report-in ang Misis ko. Malamang tuwang-tuwa sila sa ginawa nila. Hindi ko naman sila matawagan kahit ang i-text baka makita ng Misis ko kahit na hindi naman siya nakiki-alam sa phone ko. Mabuti na lang at pinagbigyan ako ng mahal kong Misis. Ipinagpatuloy na niya ang pagluluto sa kusina. Bagong paligo na rin kaming dalawa pagkatapos ng ilang round. Kung magaling mang-isa ang mga kapatid ko, magaling din akong humirit ng maraming isa pa sa Misis ko. “Mister, sumubo ka muna rito habang niluluto ko ang ulam natin,” tawag nito sa akin. Nagpatugtog kasi ako kaya naramdaman niya n

