DIANE’s POV “Misis, gusto mo pa ba ang mag-part-time nurse?” tanong sa akin ng Mister ko. Malakas ang pagkakasabi niya kaya sumenyas ako. Nandito ako sa kusina at abala ako para magluto ng aming lunch. Nasa may living room siya kanina at kaharap ang laptop niya. May ginagawa siyang report at kausap niya sina Joseph pati Tatay Anacleto. Hindi nga ako lumalabas dahil baka makita nila ako. Baka may masabi sila kapag nalaman nila ang set-up namin ni Shadon dito. Kahit na may sabihin sila ay may karapatan naman sila at may katotohanan din naman. Nagsasama kami sa iisang bubong ni Shadon at ginagawa namin ang gawain ng mag-asawa. “Baka marinig ka nila,” saway ko rito. “Sino makakarinig sa akin?” Lumingon pa ito. “Sina Joseph. Kausap mo sila kanina, ‘di ba?” itinigil ko na muna ang pagta

