DIANE’s POV Itinuloy ko ang pagtatrabaho bilang private nurse sa matandang Enriquez. Sa dinami-dami pa ng mapapasukan ko sa kaapelyido pa talaga ni Shadon. Mabuti na lang at hindi niya ito kamag-anak kundi baka wala na rin ako rito. Naghanap na lang ako ng bed space. Mag-isa lang naman ako. Naisip ko kasi kung mag-stay in ako sa pinapasukan ko, baka mapanisan lang ako ng laway. Bawal makipag-usap pwera na lang tungkol sa trabaho ko. Ang mga nurse na kasama ko ay stay out, kaya sino ang makakausap ko? Sarili ko lang. Si Diane lang. Kaya mas maganda na nasa labas na lang ako. Malapit lang din naman dahil nasa labas lang ng subdivision. Pwede akong sumakay ng pedicab pero mas gusto ko na maglakad na lang. Nalilibang pa ang isipan ko. Ang maganda sa tinutuluyan ko ngayon ay may kasama ak

