SHADON’s POV Hindi ko pa rin iniwan ang apartment. Amin naman ito at walang titigil dito hangga’t gusto ko. Nagpapabalik-balik na lang ako rito sa Manila at sa Santa Monica. Nakausap ko na ang mga magulang ni Diane, tungkol sa nangyari. Masakit ang nangyari sa aming dalawa pero ganoon talaga. Pareho kaming nasaktan. Alam kong nabastos ko siya at nasaktan ko rin ang damdamin niya. Sinubukan kong habulin siya pero huli na, wala na siya paglabas ko ng gate. Nang araw ng exam niya, hinintay ko siya pero hindi ko siya nakita. Baka nakita niya ako kaya pinagtaguan niya ako. Iyon na ang naging sign ko kung kami talaga. Idinadaan ko na lang ang nararamdaman ko sa pagbabyahe balikan. Para lang akong may tama dahil kapag naisipan kong pumunta sa Manila kahit anong oras ay lumuluwas ako. P

