Kabanata 1
Mula nang aking masilayan, tinataglay mong kagandahan
'Di na maawat ang pusong sa'yo ay magmahal
Laman ka ng puso't isipan, 'di na kita maiiwasan
Pag-ibig ko sana ay pagbigyan ?
(Song played)
'Ahhhhhhhhhhhhhhh'.
Sigaw ni Josh.
"7:20 am na malalate na ako! Sobrang ganda Naman talaga kasi ng boses ni Zhaereen di tuloy ako nagising sa alarm ko." Ani ni Josh
Mabilis na bumangon at naligo si Josh. Habang nag- aabang Ng sasakyan papunta sa school biglang may humintong blue Ford na kotse sa harap ni Josh (Tugtugtugtug).
Kinakabahan ako Kasi Familiar Ang kotse na to.
Nakikita ko to every time na umaattend ako sa church nila Zhaereen.
Pagkatingin ni Josh sa kotse ay nakita nya si Zhareen.
" Joshhhhh! Sakay na! "Ani ni Zhaereen. Napatulala Ng dalawang minuto si Josh sa pagkabigla.
Di sya makaimik sa sobrang kaba.
"Ah, eh wag na nakakahiya Naman" nauutal na Sabi ni Josh.
At tska may Jeep Naman na parating. Dun nalang ako sasakay.
"Halika na Josh! Ani ni George Ang papa ni Zhaereen."
'' Hindi na po Tito, nakakahiya po Kasi baca kayo Naman po ang malate sa trabaho po ninyo" Ani ni Josh
"Oh sige. Una na kami. Didiretso pa kasi nyan si Dad sa work! ang Sabi ni Zhareen.
Zhareen POV
Bakit Kaya lagi nalang ako tinatanggihan nun?
Mula noong Bata kami sa twing binibigyan ko sya ng pagkain ko di nya kinukuha.
Kahit ice cream na paborito nya ayaw nya din sa twing ako Ang magbibigay sa kanya.
At Simula nung grumaduate kami Ng High School, bigla nalang sya nag iba. Pakiramdam ko iniiwasan nya na ako. Ano kayang gusto nun?
Hmmm.
Ano kayang nagawa kong mali sa kanya? Hayys.
JOSH POV
" Hanggang ngayon Wala pa ding Jeep. Hayys. kung Alam ko Lang na puno na pala Yung Jeep, at last na Jeep na iyon, sumakay nalang ako kina Zhaereen'' Maglalakad nalang ako... Pero kailangan kong di malate kasi first day of school pa naman ngayon, nakakahiya Naman na malate.
Pagkapasok sa gate ni Josh may biglang tumawag sa kanyang pangalan.
"Jossssssh! Waiiiiit! " Lumingon si Josh.
"Oh, Ikaw pala Yan Cian! "
"Oo, Bakit ka ba nagmamadali? Kanina pa Kita inaabangan sa harap Ng gate ah". Ani ni Cian
" Late na Kasi ako, tapos 3rd floor pa tayo! Tara na!" Ani ni Josh
(Biglang tumawa si Cian Ng malakas)
" Ano ka ba Josh 9am pa Ang klase natin!"
Hindi na Tayo High School na laging 7:30 Ang pasok! Napakamot sa ulo si Josh.
" Ay Oo nga! Hahahaha".
At nagtawanan silang dalawang magkaibigan.
"O sya habang Wala pa tayong klase ihatid Muna natin tong naiwang gamit Ng kapatid ko sa 4th flr sa Room 402 "
Ani ni Josh
" Nakakatakot namn pala dito sa 4th flr, Yung Parang may di magandang mangyayari sayo pagkarating mo dito" Ani ni Cian
" Ano kaba Cian, masyado ka na Naman nag iisip Ng di maganda"
"Oh nandito na Tayo sa Room 402 Tawagin mo na Ang kapatid mo mukhang breaktime nila".
"Kuya! "
"Oh ikaw pala yan Josh.
Ano Yung sinadya mo?" Ani ni Liam
"Ibibigay ko Lang pala tong gamit na naiwan mo at pera mo na binigay ni papa para sayo."
Salamat Josh! Tugon ni Liam. "Napakabait mo talagang kapatid sa akin"
" Oo Naman kuya, ikaw Lang Ang nag iisa Kong kapatid e".
"O Sige kuya kailangan na namin umalis ni Cian at may klase pa kasi kami Ng 9am. Bye Kuya!"
*Sa Classroom*
"Good morning class!"
(Tumayo lahat sila) I said Good morning! Why there are students who don't know how to respect their Teachers?
*napalingon lahat sila Kay Josh dahil Hindi sya nakatayo*
"Josh!" Ani ni Cian.
"Good morning Ma'am" Ani ni Josh pasensya na po di ko po kayo napansin.
"It's okay, but next time respect all your teachers not only me. Always bring your smile and greetings to your Teachers and classmates as well"
"So, It's our first meeting in our class and it is a must in my class to introduce yourself in this class to know each other" "Let's start. We will start from you! (She pointed Josh)
"I am Josh Santos came from a broken family. I am 23 yrs old. We are only two siblings in the family. I and my step brother. We are not rich, because we have only a simple business that can only suffice the the needs of my family. My mother is a Teacher but she died while I am celebrating my birthday last year. I have no any awards on my previous studies but I am pursuing to finish my studies until I achieve my bachelor's degree".
"Okay thank you so much Mr. Santos for introducing yourself to us". Next is. . . Abad, Cian Xyrone.
I'm Cian Xyrone Abad. 22 yrs. old. I from a family of engineers. My mother and my father are engineers. I am the only child in our family, I don't have brothers and sisters but I have Bestfriend that I considered more than a brother and that is Josh. I am the one who got an honor on my previous studies and I am hoping to be part of the dean's lister and have an award on my new journey this college. "Thank you so much Mr. Abad"
Well, make an extra effort to your studies to achieve that. " Ani ni Ms. Shemiah
"Next will be the girls in the class. May I call on Azalica, Zhareen Tifanny."
Matapos Ang dalawang minuto Wala paring tumayayo para magpakilala.
At biglang may nagbukas ng pinto sa kanilang silid Aralan "
Ma'am, I'm sorry. I'm late. Na-stock po kasi ako sa traffic. " Hinihingal na Sabi ni Zhareen.
"Ohh. It's our first day in our class and you were late. So, you are Ms. Azalica?"
" Yes ma'am. I'm sorry" Ani ni Zhareen
"So you can now introduce yourself in the class".
" I am Zhareen Tifanny Azalica. I am the only daughter of Doctor Minlyn and George Azalica. I am from a family of Doctors. My mom was a pediatrician, and my Dad was a surgeon. My Grandparents were also Doctors and we have our own family Hospital. I am academic excellence awardee on my previous studies. I am hoping to graduate in my bachelor's degree with flying colors. "
JOSH POV
TUG. TUG. TUG. Ang lakas ng pitik Ng puso ko.
Habang pinagmamasdan ko mga kaklase ko, nanlalamig mga kamay ko.
Sobrang kinakabahan ako..
Di ko alam Kung bakit ganito nararamdaman ko siguro nga dahil naninibago Lang ako, at first day of class ngayon.
Wala akong ibang kakilala sa Mga kaklase ko kundi si Cian.
Mukhang magagaling mga kaklase ko at mayayaman.
Di ko alam bakit biglang nagsitayuan mga kaklase ko.
Ako tahimik lang na nakaupo at nagmamasid sa may bintana at tinitignan ang mga puno...
At Ng mapalingon ako dahil narinig ko na tinawag ako ni Cian, bigla akong nakaramdam ng mas mabigat na kaba. . .
dahil nakatingin lahat sakin ang mga kaklase ko.
Biglang nakarinig ako ng tinig ng isang babae!!!
at parang nanigas ang buong katawan ko sa hiya at kabaaaaa ng makita ko sya.
Meron na pala yung teacher namin sa First Period!
Dahil nga sa maliit ako at mahina ang pandinig ko, di ko napansin na meron na pala ang Teacher namin nakaupo pamandin kami ni Cian sa likuran kaya hindi ko nakita yung Teacher namin.
Sobrang nahihiya ako at mas lalong kinabahan nung tinawag nya ako para magpakilala.
Di ko na tuloy alam sinasabi ko, dahil nga English Teacher sya at English subject yung time na yun pinilit ko magsalita ng english kahit na di ko alam kung tama pa ba ang grammar ko dahil naghalo-Halo na ang kaba at hiya sa nangyari.
Zhareen's POV
Argggh.
Ngayon pa Naman nagkatraffic.
Hayys. May binili Lang Kasi si Dad na importante sa mall kaya bago ako hinatid sa school dumaan muna kami doon. At yun na nga sobrang traffic.
9 am ang klase ko pero magna-9 na nandito pa din ako na-stock sa traffic.
First day of class pamandin ngayon. Ano nalang iisipin sakin ng mga kaklase ko at teacher ko Nyan sakin.
Sobrang nakakalungkot.
Pagkababa ko Ng kotse, tumakbo na ako agad ng di nagpapaalam kay Dad.
At ng nasa gate na ako ng school. napansin ko na wala pala akong ID.
Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhh.
Naiwan ko sa kotse ID kooooo.
Nakaalis na pamandin si Dad at nagmamadali din sya dahil may schedule sya na ooperahan today. Naiiyak na ako.. Wala akong ID, then late na ako...
Paano na yan.. Huhu Paano ako makakapasok neto. ?
At sa Sobrang lungkot, napaupo muna ako sa gilid sa harap Ng gate..
At may biglang tumapik sa akin. napalingon ako, at nakita ko yung coach ko sa photojournalism sa senior High.
Ngumiti sya sakin.
At nagkaroon ako Ng pag-asa na makakapasok na ng school dahil dito na pala nagtuturo si Ma'am Deborah.
"Anong ginagawa mo dito sa tabi Zhareen?"
" Ah, Eh, nakalimutan ko kasi yung ID ko ma'am, naiwan ko sa kotse ni Dad, nakaalis naman na po sya at may pasyente po sya ngayon. "
" Oh sya halika na at kilala ko naman ang guard, maglog ka nalang dito sa logbook para makapasok ka na."
"Maraming Salamat Ma'am" Sige Ma'am, punta na po ako sa classroom ko 3rd flr pa po kasi ako. Bye ma'am!"
takbo.. takbo.. takbo..
Ang layo pa Naman ng building Ng College of Accountancy. Nakaheels pa ako. Huhu.
takbo... takbo... takbo..
Malapit na ako sa room 302.
Ang tahimik.
May naririnig akong isang tinig lang Ng isang lalaki at mukhang nagpapakilala sila.
Di ko Alam kung paano ako papasok. At kung ano ba ang sasabihin ko sa teacher ko kung bakit ako late.
Habang papalapit ako sa classroom ko, sobrang kinakabahan ako.
At Ng nasa pintuan na ako..
Bigla kong narinig ang pangalan ko.. na tinatawag pangalan ko para magpakilala..
Di ko alam kung ano sasabihin ko.. Bahala ka na Lord.
At nagpakilala ako..
Di ko na Alam kung ano mga sinasabi ko basta kung ano nalang masambit Ng labi ko.
Ayun naaa. Habang nagpapakilala ako, nakita ko si Josh magkaklase pala kami. Di ko alam na nagtuloy din pala sya na mag enroll dito, dahil sa pagkakaalam ko di na sya kayang pag aralin ng papa nya sa isa sa pinakamalaking Unibersidad sa Pilipinas.
Habang nagsasalita ako, di sya makatingin sa'kin. Parang Ang lungkot-lungkot nya...
Kamusta na Kaya sya. . .
Gusto ko na syang kausapin... At kamustahin. . . .
Wala na akong balita Simula nung grumaduate kami Ng Senior High School . . . .
"That's all for today. class dismissed".
*Pagkalabas sa klase*
"Josh! Ano bang ginagawa mo kanina sa klase at para kang wala sa sarili mo ha? (tinapik so Josh)
"Hmmm, di lang ako sanay sa classroom natin at sa mga kaklase natin". Ani ni Josh
"Pero napaka-humble mo talaga Josh ne. Isa kaya sa pinakamalaking business ang business ng Papa mo dito sa Manila".
"Hindi naman at muntikan na nga talagang ma-bankrupt dahil sa pagkamatay ni mama, napabayaan na ni Papa ang family business namin. "Pero salamat sa Lord dahil ang akala naming mababankrupt na ay di pa din pinahintulutan ng Diyos na mangyari yun"...
..."Dahil di ko na alam kung nasaan ako ngayon kung nangyari yun". . .
"Tara na nga baca kasi magdrama ka pa dyan" Ani ni Cian
"Oh saan naman tayo pupunta?"
"Kain na muna tayo sa Canteen para maalis yang kaba mo besides breaktime naman na natin"
"Oh siya tara na at nagugutom na din ako". Ani ni Josh
Habang naglalakad papunta sa school Canteen, nasalubong bigla nila ang matalik na kaibigan ni Zhareen.
Mukhang nabigla si Micah ng makita nya si Cian at Josh na magkasama.
"Hello, Cian and Josh, Kamusta na kayo? dito rin pala kayo nag-aaral".
"Ah Oo, elementary palang ako dito na ako gusto pag-aralin ni mom and dad". Ani ni Cian
"Ikaw Josh, buti dito ka rin nag-aral?'' Ani ni Micah
"Hmmm , Oo kasi dito rin nag-aaral ang kapatid ko, kaya dito na rin ako pinag-aral ng papa ko." Ani ni Josh
"Ah, Ganun ba.maglulunch na din ba kayo?" Ani ni Micah
" Oo. Dito na kami kakain ni Josh" Ani ni Cian
"Sige kain na muna tayo, sabay-sabay na tayo kumain" Ani ni Micah
" Subukan ko ngang tikman ang Kare-Kare mukhang masarap" Ani ni Micah
" Buti dito ka kumain sa school canteen Micah?" Ani ni Josh
" Mas gusto ko pa nga kumain nalang dito sa canteen kesa sa mga fast food or restau e. Kasi di naman ako maarte sa pagkain, gusto ko yung mga simpleng mga pagkain lang, gaya ng mga gulay''.
Ani ni Micah
" Talaga Micah kumakain ka ng gulay?" Ani ni Cian
" Oo naman Cian! Ano ka ba paborito ko ang mga gulay. Simula nung nagkasakit ako ng malubha nung Grade 5 ako, natutunan ko ng kumain ng gulay at eventually naging paborito ko na ang mga ito". Ani ni Micah
" Ibang-iba pala kayo ni Zhaereen". Ani ni Josh
" Oo e, di ko nga alam paano kami naging bestfriend ni Zhaereen kasi halos yung mga gusto ko, ayaw nya at ang mga gusto naman nya ayaw ko". Medyo nakakatuwa isipin." ( Tumawa sya ng konti) Ani ni Micah
"Bakit nga pala di mo kasama si Zhareen ngayon? Diba halos di kayo mapaghiwalay nun simula nung elementary pa tayo.?" Ani ni Cian
(Tumawa silang tatlo)
" Oo nga pati pag ihi nung elementary pa tayo magkasama kami nun. Sobrang matatakutin kasi nun. Pero dahil nga di kami ng pareho ng mga gusto, di kami magkasama ngayon. Iba ang kinuha nyang kurso kumuha sya ng Bachelor of Science in Accounting at ako naman kumuha ng Civil Engineering". Ani ni Micah
"Pero baca breaktime nya na din ngayon? Buti di kayo magka-sabay maglunch?" Ani ni Josh
"Di sya nagrereply sa mga text at call ko kanina e. Baca busy pa siguro sa iba". (tumawa sya)
Napatingin nalang si Cian kay Josh sa kung ano magiging reaksyon nya.
Napainom nalang ng tubig si Josh sa nasabi ni Micah.
" Josh ubusin mo yang pagkain mo ha" Ani ni Micah
" Oo nga Josh ang payat-payat mo na! Maliit ka na nga, Mapayat ka pa". Ani ni Cian
" Ah e, busog na ako e. (ngumiti ng pilit)
" Andami pa nyan e sayang naman" Ani ni Micah.
" Oo nga Josh, Sayang naman ang sarap pa naman ng chicken curry, paborito ko pa naman yan!"
"Kung ayaw mo Josh ako nalang uubos!" Ani ni Cian
Nagsitawanan silang lahat!
" Ang takaw mo talaga Cian! ang taba-taba mo na nga e!" Ani ni Micah
" Mataba na ba ako Micah? Ang sexy ko kaya. (tumawa ng malakas)
Sayang kasi pagkain ni Josh, paborito ko pamandin yan!
"O sige na Cian! sayo na to, sayang pa kasi yung ikatataba mo at ikakatangkad mo!" sabay haplos sa ulo ni Cian.
" Salamat Josh! Dami kayang di nakakain na batang kalye tapos di mo inuubos pagkain mo". Ani ni Cian
"Oo na po tatay! Sorry na po! (sabay tawa ng malakas) Ani ni Josh.
"Nakakatawa talaga kayong dalawa! di pa rin kayo nagbabago!"
Ani ni Micah (sabay tawa at tapik sa balikat ni Josh at Cian)
"O siya, Mauna na ako inyo, may klase pa kasi ako Nyan Ng ala-una!'' Ani ni Micah
"O sige ingat ka Micah" Ani ni Cian
Micah's POV
Ano ba yan di ko macontact si Zhareen.
Aggghh.
Saan ka na ba nagpu-punta Zhaereen. Lunch break na ohhh.
Di ka man sumasagot sa mga tawag ko, ni magreply man lang sana sa mga text ko.
Wala pamandin akong kakilala dito.
Ayoko pamandin na nag iisa ako. Nagmumukha kasi akong kaaawa-awa kapag mag-isa ako.
Maglalakad lakad muna nga ako baca sakaling makita ko sya.
Nagugutom na ako Zhareen. Wala ka pa din.. Arghhh.
Di ka man Lang magparamdam.
Pupunta nalang ako ng canteen..
Mauuna na akong kakain Zhaereen.. Hayys
But wait Parang familiar ang mukha ng dalawang lalaking yun.
Si Cian at Josh ba yun?
Pero bakit nandito si Josh?
Hindi ba't di na sya kayang pag-aralin ng papa nya?
Hirap na nga syang makapagbayad ng tuition at graduation fee nung Senior High School tapos dito pa sya mag-aaral?
Kausapin ko ngaaa. Para may makasama naman akong kumain at para di ako magmukhang Tanga.
Nakakalungkot Lang isipin na Mahal pa din ni Josh si Zhaereen.
Sa kabila ng pagkasabi ko sa kanya na baca busy sa iba si Zhaereen.
Sobra syang nalungkot.
At ako ang nalulungkot para sa kanya.
Ano kaya ang mayroon kay Zhaereen at hanggang ngayon Mahal pa din sya ni Josh?
JOSH POV
Mas Lalo akong nalungkot nung sinabi ni Micah na busy na sa iba si Zhaereen.
Masakit pa din sakin ang lahat.
At hanggang ngayong sobrang sakit pa din.
Naghalo-Halo na ang sakit sa puso ko.
Isa na din dun yung pagkamatay ni mama nung birthday ko last year.
At ang taon na yun ang pinaka di ko makakalimutan na taon.
CIAN POV
Mas masakit sakin bilang isang Bestfriend ni Josh na makita ang Bestfriend ni Zhaereen na may gusto sa Bestfriend ko.
Si Micah ang babaeng matagal kong minahal.
Pero andami ng nagbago sa kanya na halos di ko na sya makilala.
Nag-iba na mga paborito nyang pagkain.
Nag-iba na kung paano sya manamit at kumilos.
Halos parang estranghero nalang kami sa isa't Isa..
At masakit para sa'kin yun.
na makita sya ulit . . . .
na may Iba ng nagugustuhan. . .
At Ang masakit ay Bestfriend ko pa.
ZHAREEN'S POV
Dahil nga naiwan ko ang phone ko at ID ko sa kotse ni Dad, di ko alam kung saan ako pupunta ngayon.
Wala akong ibang kakilala dito. . .
Wala akong Micah na lagi kong kasama..
Nagugutom na ako....
At Wala akong kasamang kakain..
Sana makita ko si Micah..
Pero sa luwang Ng school parang di ko sya mahahanap.
Bahala na..
Kakain nalang ako sa labas.
Sa paborito kong fastfood baca sakaling nandun si Micah.
Andami na palang Tao at parang Wala na akong mauupuan..
Asaan ka kaya Micah?
Tignan ko nga sa taas baca nandun sya...
Pero Wala pa din...
Nagugutom na ako, kaya no choice ako mag-isa akong kakain.
Dami ko pamandin ikwekwento sayo Micah.
Kasi first day of school ngayon at andami ng unforgettable moments na nangyari sa buhay ko.