“Sir, kasalukuyan na silang palabas ng airport.” Ani ng aking assistant. Mas lalong sumidhi ang pananabik ko na masilayan ko ang mukha ng aking mag-ina. Sa wakas, natapos na rin ang mahabang paghihintay ko ng mula sa makapal na tao ay lumitaw ang isang matangkad na babae. Sandaling natulala ako at napako ang tingin sa magandang mukha nito. Napakalaki na ng pinagbago ng aking si Amethyst, ang dating maikli nitong brown na buhok ngayon ay umabot na hanggang bewang nito ang haba. Narun pa rin ang pagkaboyish nitong kilos at hindi pa rin nawawala ang may pagkamaangas nitong galaw. Pero, para sa akin ay mas lalo lang itong nakakadagdag sa lakas ng kanyang karisma. Nagmukha siyang teenager dahil sa manipis nitong bangs na halos umabot na sa taas ng mata nito. Napansin ko rin na mas lal

