Clarisse's POV "Kamusta ang alaga mo, Clarita?" Hindi ko nilingon ang kung sino mang may-ari ng tinig na iyon. Nanatili ang paningin ko kay Mindy na hanggang ngayon ay abala sa pagtatanim ng halaman. "Hindi ko alam. Mula nang umuwi sya dalawang buwan na ang nakalilipas galing sa labas, hindi ko na sya nakitang umiyak," sagot ko. Nag-aalala talaga ako. Ano kayang pinag-usapan nila ng tangang Arthur na iyon para maging ganito sya kasaya? Paano ko nalaman? Syempre isa akong super spy at sinundan namin sila. Di ako chismosa ha? Nag-alala kasi kami na baka may sumanib sa kanya at ibangga ang kotse o di kaya'y ihulog sa bangin. Gusto ko nga sanang babain si Arthur nung mga oras na iyon at bigyan ng magkakamak-anak na suntok pero kitang-kita ko kung paano lumungkot ang mukha nya habang nag-uus

