Chapter 29: Beach

1680 Words

“Whaa! Dagat!” Gulat na nilingon ko si Lovely nang sumigaw ito. Ngayon lang ba sya nakakita ng dagat? Napagdesisyunan kasi namin kahapon na magbeach kaya heto at nasa isang magandang resort kami na ilang kilometro lang ang layo sa bahay nina Tita Linda. Hindi ko naiwasang hindi matawa nang mag-unahan ang mga kasama namin patakbo sa putting buhagin at magpagulung-gulong doon. Nakangiting nag-angat ako ng tingin nang maramdaman ang kamay ni Arthur sa aking likuran. “Nagustuhan mo ba?” Tanong nya. Malaki ang ngiting tumango ako. Inalalayan nya akong maglakad habang kasunod namin iyong mga lalaking naiwan at mas piniling tumulong na dalhin ang gamit namin. Bukod pa sa amin ay may mga kapitbahay ding sumama, mga kaibigan daw kasi ni Clarisse kaya hindi naman namin magawang tanggihan. “Miss

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD