Chapter 28: Mindy Mortel

2065 Words

Para akong natuod kinabukas nang lumabas mula sa silid at makita si Stormi na prente ang pagkakaupo sa sala. Hindi ko alam kung ako lang ba o talagang tanga sya na kahit ilang ulit na syang pinagtulakan kagabi ni Arthur ay narito pa rin sya. Maganda naman sya. Mas maganda nga lang ako. Bakit hahayaan nya pa ang sarili nyang maghabol sa lalaking hindi sya ang gusto? Isang malalim na hininga ang aking pinakawalan. Awtomatiko akong napa-ismid nang makita syang makipagtawanan kila Clarisse na mukhang wala namang pakialam sa presensya nya. "Oh hija, bakit nakatayo ka dyan? Magkape ka muna. Halika," anyaya ni Tita Linda saka ako hinila kung nasaan sila. Agad na sumilay ang ngiti sa labi ng mga kasama namin. Kusa silang gumawa ng espasyo para sa akin habang ito naman si Stormi ay mukhang nak

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD