"Ano? Okay ka na ba?" Nakangiwing taong ko habang pinanunuod si Arthur na paulit-ulit dambahin ang dibdib nya.
Nasa tabing-dagat kami dahil sa hiling nya pero hindi ko inaakala na ilalabas nya lang dito ang lahat ng nainom nya. Buti na lang wala nang bantay at kami na lang dalawa dahil kung mayroon ay paniguradong mayayari kami pareho!
"Bakit kasi nag-inom ka pa kung hindi mo naman kaya?" Inis na tanong ko saka inalalayan syang maupo.
Damn it, Kris! Alam kong ikaw nanaman ang may kagagawan nito! Akala mo ikaw ang mag-aalaga sa taong 'to!
Mas lalong tumindi ang inis na nararamdaman ko nang muling rumehistro sa aking isip kung paano nya haplusin si Arthur kanina. Kulang na lang yata ay ibaba nya doon sa parteng iyon ni Arthur ang kamay nya at sinisigurado ko, kung hindi ako dumating doon ay baka nahawakan nya na talaga iyon!
"Diretso ang tagalog mo ngayon, ah?" Puna nya nang mapansin ang pananalita ko.
Inismiran ko sya saka ipinatong ang mga braso ko sa parehong tuhod. Blanko ang mukhang pinakatitigan ko ang dagat, umaasa na sa pamamagitan non ay mawala ang inis na nararamdaman ko pero nagkamali ako nang umaasa akong ganoon ang mangyayari dahil nang lingunin ko sya't makita kung gaano kalapit ang mukha nya sa akin, hindi na inis kundi hiya ang naramdaman ko.
"Nag-aalala ka ba sa akin, Ms. Mindy?" He asked, smiling. Hindi ko alam kung dala lang ng kalasingan nya o talagang pakiramdam nya ganoon na kami kaclose ngayon.
"Umasa ka, Arthur!" Salita ko saka malakas na itinulak ang kanyang mukha.
Agad kong naramdaman ang guilt nang makitang sumubsob sya sa buhangin. Pero imbis na alalayan sya ay pinanuod ko syang humarap sa akin matapos bumangon. Mabilis kong tinakpan ang aking bibig para pigilan ang pagtawa ko nang humarap sya sa akin.
Puno ng buhangin ang mukha nya. Ang tanging nanatiling blanko na lang yata ay ang mga mata nya na paniguradong naipikit nya na bago pa man sya tuluyang bumagsak.
"Dahan-dahan naman," salita nya.
Tuluyan ko nang hindi napigil ang pagtawa nang ibuga nito ang buhangin na naroon sa loob ng kanyang bibig, bukod doon ay may kaunti ding lumabas sa kanyang ilong.
He's cute.
"May galit ka ba sa akin, Ms. Mindy?" Natatawang tanong nya saka pinagpagan ang kanyang sarili. Sa nangyari ay tila ba nawala ang lasing ni Arthur.
Natatawang umiling ako bilang tugon. Tumikhim ako saka humarap sa kanya. "Eh bakit ka nga uminom kung hindi mo kaya? May ginawa sayo si Kris—"
Agad akong napahinto sa pagsasalita nang biglang lumungkot ang kanyang mga mata. Lungkot na hindi pa man sinasabi ay nakakahawa na.
Anong drama nanaman 'to?
Umiling sya, "naalala ko lang si nanay at tatay," aniya saka pilit ang ngiting yumuko.
Hindi ko mapangalanan ang nararamdaman habang pinanunuod syang paglaruan ang buhangin na nasa kanyang harapan gamit ang hintuturo. Ang katotohanang matinding lungkot ang biglang bumalot sa kanya ay nagdala sa akin ng pagtataka.
Hindi ba't magandang bagay na maalala nya ang mga magulang nya? O baka naman namimiss nya at hindi sya makauwi dahil sa trabaho? Pero ilang araw pa lang sya sa akin?
Nanatili akong tahimik, hinihintay sya na muling dugtungan ang mga salitang sinabi at hindi nya ako binigo dahil matapos ang ilang minutong pananahimik ay muli syang nagsalita.
"Nasabi ko na sa'yo, 'di ba? Paboritong lugar ko ang tabing dagat dahil nandoon ang mga huling ala-ala ko kasama sila." Pinaghalong saya at lungkot ang paraan ng kanyang pananalita.
Ilang sandali akong nanatili na nakatitig sa kanya. Hindi ko malaman kung paano nyang naipaparamdaman sa akin na masaya sya habang sinasabi ang mga katagang iyon kahit napakalungkot ng mga mata nya.
"Stop acting na hindi ka na makakabuo ng bagong memories with your parents!" Tumatawang saad ko para mabawasan ang malungkot na awra nya. Mahinang hinampas ko ang kanyang braso saka ibinaling ang paningin sa tahimik na dagat.
Kung gaano mo ka-miss ang magulang mo ay ganoon ko rin ka-miss ang Mommy.
"Pero iyon ang bagay na hindi ko na talaga magagawa, Ms. Mindy." Wala na yatang mas lulungkot pa sa paraan ng kanyang pananalita.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig matapos ang narinig. Nakaawang ang labing pinakatitigan ko sya, sinisigurado kung tama nga ba ang mga hula ko sa isip ngunit mas tumindi ang gulat ko nang muli syang magsalita.
"Patay na ang magulang ko. Kasabay ng pagpanaw nila ay ang paggunaw ng aking mundo. Akala ko kapag umalis na ako sa lugar namin ay mawawala na ang sakit ng paglisan nila sa mundong ito pero nananatiling ganoon ang nararamdaman ko." Rinig ko ang paggaralgal sa boses nya.
Gustuhin ko man na panuorin sya sa pag-iyak ay pinili kong iiwas ang aking paningin dahil hindi ko makayanan na pigilan din ang mga luha kong nakikisalo sa lungkot na nararamdaman nya.
"Noon, kahit wala kaming makain ay hindi ko maramdaman ang kakulangan pero ngayong nag-iisa na ako, paulit-ulit kong kinukwestyon kung bakit ako pinagdadamutan ng langit. Hindi ko alam kung naging masama nga ba ako sa nakaraang buhay ko para maranasan ko ang ganito o sadyang hindi lang ako pinapaboran parati," saad nya sa pagitan ng mga hikbi.
"Arthur." Nang lingunin ko sya ay mas lalo kong naramdaman ang sakit nararamdaman nya.
Bagaman wala sa akin ang kanyang paningin ay parang paulit-ulit na winawasak ang puso ko habang tinitignan sya sa ganoong sitwasyon. Alam kong ilang araw pa lang kaming nagkakasama pero hindi ko akalain na ganito kaaga ko malalaman ang masakit na nakaraan nya.
"Hindi patas ang mundo sa mga tulad kong ipinanganak sa kahirapan." Muling dagdag nya saka pilit ang ngiting nagbaba ng tingin sa akin.
Gustuhin ko mang magsalita ay tila ba napipi ako sa mga sandaling iyon. Hinawakan ko ang kanyang kamay saka hinila palapit sa akin. Sa unang pagkakataon, hinayaan kong yakapin ako ng taong hindi ko pa ganoon kakilala.
Hinayaan kong umiyak sya sa mga balikat ko. Sa ganoong paraan man lang ay maiparamdam ko sa kanya na hindi sya nag-iisa.
"Nagselos ka ba kanina, Ms. Mindy?" Biglang tanong nya. Natigilan ako sa paghaplos ng likod nya. Pabagsak na nilaglag ko ang parehong kamay sa magkabilang gilid nya saka tikom ang bibig na nanatili ang nanlalaking mga mata ko sa dagat.
"Hindi ko naman gusto ang kaibigan mo na iyon, Missus." Saka lamang ako naibalik sa reyalidad nang marinig ko ang mahinang pagtawa nya.
Awtomatiko ko syang itinulak ng maramdaman ang paghaplos nya sa aking likuran.
"Ano?!" Sigaw ko. Nang magtama ang mga mata namin ay agad na napalitan ng pagkairita ang lungkot na nararamdaman ko nang makita ang mga nakakaloko nyang ngiti, tila ba inaasar ako.
"Lasing ka pa ba?" Hindi makapaniwalag tanong ko.
Selos? Ako? Bakit ako magseselos? Saka sinong nagsabing kaibigan ko ang malanding yon?
Agad akong nag-iwas ng tingin saka paulit-ulit na tinatanong sa sarili kung saan mental institution magandang dalhin ang lalaking 'to.
"Alam mo Ms. Mindy," pinutol nya ang pagsasalita. Nagtatakang pinanuod ko syang tumayo. "Napakabait mo pala. Akala ko kasi—" muli ay tumigil sya saka ako nginitian.
"Ano?! Ayusin mo ang sagot mo kundi tatamaan ka talaga sa akin." Nakaturong tumayo ako. Nagsimula itong tumakbo kaya mas lalo kong binilisan ang pag-papagpag sa sarili ko nang makatayo.
Hindi ko narinig ang sinabi nya kaya naman agad ko syang hinabol at nang maabutan ay binigyan ko ito ng nagtatanong na tingin.
"Wala," tugon nya saka malakas na tumawa.
Bigla akong natigilan nang makita ang mga tawa nya. Hindi iyon pilit pero hindi ko rin masabing totoo at ang ideyang baka pinipilit nya lang tumawa sa harapan ko ay kinakatakot ko.
"Laway mo, Miss. Natulo na." Sita nya saka maingat na tinanggal ang kamay ko sa pagkakahawak sa kanyang braso saka kumaripas ng takbo.
Pinasadahan ko pa ng hinlalaki ko ang bandang gilid ng aking labi. Damn it! Naisahan ako don! Rinig ko ang malakas nyang pagtawa kaya naman ganoon na lang katindi ang inis na naramdaman ko.
"You're fired!" Sigaw ko saka patakbong hinabol sya. "You're fired, Arthur!"
Nanlaki ang mga mata ko nang tanggalin nito ang pang-itaas nya habang tumatakbo pabalik sa akin. 'Oh six pack!' Natigil ako sa pagpapantansya sa kanya nang makita ang nakakaloko nyang ngiti sa akin.
Tarantang tumakbo ako palayo pero huli na ang lahat dahil nang makailang hakbang ako ay agad nya akong nahuli saka binuhat.
"Let go!" Sigaw ko pero tanging pagtawa lang ang kayang naging tugon.
Mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang makitang papalapit na kami sa dagat. "Arthur!"
At huli na nga po ang lahat, dahil nang bitawan nya ako ay tuluyan na akong bumagsak sa malamig na tubig ng dagat. Mabilis akong umahon papunta sa pangpang. Yakap ang sarili na bumagsak ako sa buhangin nang maramdaman kong may tumusok sa paa ko.
"Damn it, Arthur! You are so fired!" Sigaw ko habang pilit na tumatayo.
"Ms. Mindy naman, paulit-ulit ka naman e. Hindi mo nga ako pwedeng tanggalin sa trabaho ko." Kontra nya. Umahon ito saka pinanuod akong mas lalong mainis sa pagmumukha nya.
"Then I'll tell my dad na binubully mo ako!"
"Maniniwala kaya sya?" Tumatawang tanong nya. Damn it! I was caught off guard! Paniguradong hindi maniniwala si Dad at sasabihin lang non na kilala nya na ako.
"Arthur!" Muling sigaw ko nang buhatin nya ako. Nang hawakan ko ang mga kamay nya para tanggalin ay nagtagumpay ako. Nang muli nyang subukan na hawakan ay agad kong naisangga ang kamay ko kaya naman dumulas ito ngunit pareho naming hindi inaasahan kung saang parte babagsak ang mga kamay nya.
Nanlalaki ang mga matang nagbaba ako ng tingin nang maramdaman ang kaliwang palad nya sa dibdib ko. Dahan-dahan ko syang nilingon at parehong gulat ang nakita ko sakanya.
"M-miss..." Utal na saad nya. Naramdaman ko pa ang mahinang pagkibot ng kanyang kamay saka iyon mabilis na binitawan. "S-sorry." Dagdag nya saka nag-iwas ng tingin.
Nang makita ko ang namumula nyang mga mata ay doon ko lang naalala na wala pala akong ibang suot bukod sa panty at ang oversized shirt na suot ko.
Damn it!