“Excuse me,” paalam ko. The meeting is so boring. Nanatili lang ang atensyon ko buong oras kay Arthur na walang ibang ginawa kundi kindatan lang ako na akala mo e sa ganoong paraan makukuha nya ulit ako. Umaasa yata sya na may meaning ang ginawa ko kanina sa elevator when in fact, sumasabay lang ako sa laro sya. Inismiran ko sya nang ngitian ako saka nagtuloy palabas ng conference room. That meeting wasn’t really important. Mga moves lang ni Arthur para makasama ako sa iisang room. Nagdiretso ako sa aking opisina. Maganda naman ang panahon kanina, hindi ko alam kung bakit bigla na lang umulan. Napako ang paningin ko sa bintana hanggang sa hindi ko na namalayang tinatangay na ng pag-iyak ng langit ang isip ko patungo sa mga ala-alang pilit kong kinakalimutan. NANATILI AKONG nakatula

