Nakatalumbaba kong pinanuod si Arthur na abala ngayon sa pagtulong sa gardener. Hindi ko alam pero tinatamad ang buong katawan ko. Para akong may ginawang nakakapagod kahit wala naman talaga. Nilingon ko ang bulaklak na naroon sa bakanteng silya sa tabi ko pero hindi man lang gumanda ang mood ko. Ano bang nangyayari sa akin? "Miss Mindy, magmeryenda na muna po kayo." Isang malalim na hininga ang aking pinakawalan bago hawakan ang baso na kalalapag lang ni Clarisse sa aking harapan. "Thanks," saad ko saka sumigop ng juice at nang maibaba ang baso ay diretso kaagad ang tingin ko kay Arthur. Pakiramdam ko ay napakaganda ng pinag-uusapan nila nung hardenero para ngumiti sya nang labas ang lahat ng ngipin. Nang aksidenteng magtama ang mga mata namin ay para syang bata na kumaway sa akin.

