“Miss Mindy, hindi talaga ako komportable sa suot ko. Napaka-init.” Angil ni Arthur. Kanina nya pa sinasabi yan pero hindi naman sya nagpapalit sa tuwing pinagsasabihan ko syang magpalit. Parang sira. Mabilis ko syang hinila paupo nang tumayo tumayo ito. Pinandilatan ko sya ng mata sabay senyas na manahimik na lamang. Wala syang nagawa kundi manahimik pero naroon ang nagmamaktol nyang mga tingin. Pero hindi pa man umaabot ng tatlong minuto ang pananahimik nya ay muli nanaman syang nagsalita. “Miss Mindy – “ “Pwede bang manahimik ka muna, Arthur? Mahahalata tayo, e!” Pigil ko sa kanya. Ibinaba ko nang bahagya ang salamin na suot saka sinipat ang ikalimang table mula sa amin kung nasaan sila daddy at Kris na ngayon ay nagtatawanan na. Hindi ko naman maintindihan sa babaeng ‘to kung ano ba

