Chapter 49: Soon-to-be

1663 Words

“Oh ayan, ang sakit umasa ‘no?” Pang-aasar ni Mike. Naikwento ko kasi sa kanila ang nangyari kagabi at pinagsisisihan ko na 'yon. Nasa byahe na kami ngayon pauwi at talagang iniwan pa ako ni Arthur dito’t nauna syang umuwi kanina dahil may importante daw syang aasikasuhin. Oh ‘di ba? Napakagaling! Inis na tinignan ko ang singsing sa aking kamay. Psh. Promise ring lang pala ‘to may paluhod-luhod pa syang nalalaman. Nakakainis! Umasa kaya ako! Sayang luha ko. Pakiramdam ko tuloy ay pang-isang taong pagkabadtrip ang nararamdaman ko ngayon. Humanda ka talaga sa akin, Arthur. “Bakit mo naman kasi naisip na magpoprose sya kagabi?” Tanong naman ni Cherry. Sa tono pa lang ng pananalita ay alam ko nang pinagtatawanan nya ako. Sino ba naman ang hindi ‘di ba? I made a fool out of myself. Again!

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD