Chapter 7: Surprise

2005 Words
Inis na pinanuod ko ang likod ni Arthur habang nasa viranda ng kwarto ko. Kausap nya si Dad at mukhang nagrereport kung saan-saan at kung anu-ano ang mga pinaggagagawa ko. Nang sabay nilang tingalain ang kinatatayuan ko ay nanatiling naroon kay Arthur ang aking paningin. Halos isumpa ko sya kanina. Nang makauwi ay muli akong sumubok pero hindi ko sya mahanap, tuloy ay wala akong naging ibang choice kundi manuod na lang! Hindi ko malaman kung paanong nagawa ng taong 'to na pigilin ang nararamdaman kanina samantalang ako'y kinailangan pang tapusin ang naudlot na iyon dahil hindi ko magawang matahimik. "Mindy, can you go downstairs?! " Dad shouted pero imbis na sagutin sya ay inismiran ko lang silang dalawa saka pumasok sa loob. I lie down on me bed and turn on my television. Wala akong oras sa mga patutsada ni Dad. Hindi maayos ang lagay ko at mukhang hindi iyon maayos kahit anong gawin o sabihin nya. I played my favorite movie. Ito nanaman tayo sa marathon. Ilang ulit ko na 'tong napanuod pero hindi ko magawang magsaya kahit kaunti. In no time, I heard three knocks and the voice who I wished not to see. "Papasok na ho ako, Ms. Mindy," ani Arthur saka binuksan ang pinto. Nakatungo lang sya sa sahig nang tumayo sa gilid ng sofa. Yan. Matuto kang mahiya! Kung pinatapos mo ako kanina edi sana wala tayong problema ngayon! "Akala ko ba bawal kang umakyat dito?" I arched my eyebrow. Sinadya kong magtunog masungit para naman may ideya sya. "Umalis ho ang daddy nyo. Hindi nya na raw kayo maaakyat kaya ako na ang inutusan nyang magsabi na inyo," saad nya na pilit iniiwas ang tingin sa akin. Agad na nagbago ang aking ekspresyon. Ang kaninang inis ay napalitan ng pamilyar na lungkot. Lungkot na hindi ko malaman kung kailan mawawala o kung mawawala pa nga ba. Iyong lungkot na pilit sumisiksik sa puso ko kahit anong pagtataboy ang ginagawa ko. Mabilis akong nag-iwas ng tingin nang makita ang mga mata nyang nakatuon na sa akin. "And?" I asked. Nothing's new. He didn't even remember the occasion for tomorrow. Oh I forgot! He didn't even bother remembering that important day. "Isang linggo raw ho syang mawawala," dagdag nya. Tumango lamah ako at muling ibinalik ang aking paningin sa TV pero agad ding nadistract nang mapansin nang magpabalik-balik sa paglalakad si Arthur. Tatalikod. Haharap. Kakamot sa ulo. Hahawakan ang doorknob saka muling iikot paharap sa gawi ko. Should I call manang or guard? Pakiramdam ko ay inaatake nanaman ng katangahan itong si Arthur. Did he lose his brain habang paakyat dito at hindi na maalala kung paano buksan ang pinto? "Do you need anything?" Tanong ko nang mahilo sa ginagawa nya. Kung nasa mood lang ako ay baka pinagalitan ko na sya. "G-gusto ko ho sanang humingi ng tawad sa nangyari kanina. Isang malaking pagkakamali po-" "Why are you asking for forgiveness? Tulad ng sabi mo, it was just a mistake. Why bother talking about it?" Pigil ko sa sasabihin nya. Alam ko at nauunawaan ko ang ipinupunto nya kahit hindi ko patapusin ang sinabi nya. "H-hindi ho kasi ako-" "Hindi ka sanay? It's fine." Everything's first for him. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na ako ang unang nakakita ng itinatago nya o maiinis dahil sa pagiging inosente nya. "Ayos lang ho ba kayo?" Nag-aalalang tanong nya nang mapansin ang paraan ng pagsasalita ko. Masyadong naapektuhan ng lungkot ang ikinikilos ko ngayon. "I'm fine. I want to sleep. You may leave," salita ko. Pilit kong pinatatag ang sarili pero ramdam ko ang bawat pagkawasak ng puso ko. It was like my heart is crushed for a thousand times. Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang makaramdaman ng ganito. This happens every year pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay. My tears started to fall as I look at our family picture. My dad was never like this. Dati ay lagi syang may oras para sa akin, dati ay lagi nya kaming nilalabas ni Mommy but everything change when we lost her. He lost mom but I lost them both. Kinatulugan ko ang tahimik na pag-iyak. Ni hindi ko na nagawa pa ang madalas kong gawin na hintayin ang pagsapit ng alas-dose para batiin ang sarili ko. KINABUKASAN ay nagising ako nang tumama ang liwanag sa aking mga mata. Nang itulukbong ko ang kumot ay agad iyong hinila paalis sa akin. Damn it! Can I just have a peaceful sleep ngayong birthday ko?! "Ano ba?!" Sigaw ko nang hilain ng taong iyon ang kamay ko patayo. "Halika na, Ms. Mindy. Baka tanghaliin tayo." Rinig kong salita ni Arthur. Inis na idinilat ko ang aking mga mata saka marahas na binawi ang aking kamay. Muli kong ibinagsak ang katawan sa kama pero hayon at mabilis nya akong sinalo't iniupo. "Saan ba tayo pupunta!?" Pipikit-pikit na tanong ko. Panay pa ang pagkusot ko sa aking mga mata habang matalim ang tingin sa kanya. "Sorpresa ho." Nakangiting salita nya. "Inaantok pa ako, Arthur," saad ko saka muling nahiga. Hinila ko ang kumot saka itinalukbong iyon sa akin. "Ms. Mindy naman," aniya, tila ba nagmamaktol. Pero agad akong palihim na ngumiti nang makaisip ng isang kalokohan. "Pull down your pants." Naroon nanaman ang inosente nyang mukha nang marinig ang binitawan kong salita. "I want to see it! Saka lang ako tatayo kapag nakita ko!" Pagbibiro ko. Sa isip ay malakas akong tumawa nang makita ang namumula nyang mukha. Mabilis syang nag-iwas ng tingin habang ako naman ay muling bumalik sa pagkakahiga. Finally! Peace! "Maliligo ka o hihilain kita papunta sa kotse nang ganyan ang itsura." Pagbabanta nya. Lakas ng loob, a? Pero hindi ako nagpatinag. Inihilig ko ang katawan patalikod kung nasaan sya saka ipinikit ang mga mata. Pero ganoon na lang ang gulat ko nang bigla akong umangat sa ere habang nasa katawan ang kumot ko. "Ibaba mo ako!" Sigaw ko saka paulit-ulit na pumalag. Nalaglag na ang telang nakatabing sa katawan ko pero hindi pa rin ako nito pinakinggan. "Arthur!" Nang makababa ng first floor ay agad akong sumigaw, "Manang!" Pagtawag ko. Agad na lumabas si Manang mula sa kusina pero hindi man lang nito pinagsabihan si Arthur at natatawa pang pinanuod kami. Really, manang?! "Ate aalis na po muna kami." Paalam nya. Si manang naman ay tumango at hinabilanan pa kaming mag-ingat na dalawa. "What?! I'll make sure that Dad finds out about this!" Hindi makapaniwalang sigaw ko. Nang silipin ko si Manang sa likod ay nakangiti pa itong kumaway sa akin. "Help! Someone's kidnapping me!" Malakas na sigaw ko. Nang ibaba nya ako ay nagtangka pa akong tumakbo pero agad nyang iniyakap ang kaliwang kamay sa baywang ko saka binuksan ang sasakyan gamit ang kanang kamay at isinakay ako. "Seatbelt," aniya saka yumuko para ayusin iyon.. Hindi ko nagawang kumilos nang malanghap ang mabangong amoy nya. Noon ko lang napansin na hindi sya nakasuit ngayon at simpleng tshirt lang ang suot. Hanggang sa makabyahe kami ay nanatiling tikom ang bibig ko. Saka lamang ako nagsimulang maghestirikal nang makita ang itsura ko sa rearview mirror. Namamaga ang mata ko, magulo ang buhok ko at namumulat ang mga labi ko. Damn it! "Ihinto mo ang sasakyan at bababa ako!" Sigaw ko nang marinig ang mahinang pagtawa ni Arthur. Nagtatakang nilingon ko sya nang magbagal ito saka inihinto ngang talaga ang kotse. "Nakahinto na, Ms Mindy. Bakit hindi pa ho kayo bumaba?" Tanong nya matapos kong manatiling nakaupo. Inis na nilingon ko sya, "What?!" "Sabi nyo ay ihinto ko at bababa kayo?" Hindi ko alam kung tanga nga ba sya o ano. Sinabunutan ko ang sarili sa sobrang inis saka sinamaan sya ng tingin. "Looking like this?! Oh please Arthur!" Pakiramdam ko ay mamatay ako ng maaga at ang mailalagay sa death certificate ko ay died due to stress because of her bodyguard! "I'm calling dad!" Dagdag ko saka kinuha ang cellphone ko na inilapag nya kanina sa aking harapan. "Abala po si Mr. Mortel ngayon, wag na ho natin syang abalahin." Inagaw nya iyon at inihagis sa likod na upuan. Nang bumalik sya sa pagkakaayos ng upo ay saktong tumama sa dibdib ko ang mga mata nya. Kitang-kita ko ang ilang ulit nyang paglunok. "Enjoying the view ha?" Untag ko saka sya nginisian. Paniguradong mas nag-enjoy sya kanina habang buhat ako't mas lalong umaalog ang kayamanan ko. Agad syang nag-iwas ng tingin saka tumikhim. Muli nyang sinipat ang likod na upuan at nang umayos ng pagkaka-upo ay may iniabot itong isang paper bag sa akin. "Heto po, ipinaghanda ko kayo ng damit." Proud na saad nya. Hindi man lang pinansin ang sinabi ko. Agad ko iyong binuksan at hindi ko naiwasang mapangiwi nang makita ang laman non. "What is this?" Iniangat ko ang isang pares ng simpleng damit, maluwag na tshirt at pantalon na hanggang tuhod lang. "Damit ho." And there he go again. Stupidity at it's finest! Kung may award ng pagiging tanga, paniguradong hakot award ang lalaking 'to! "Where's my heels?" Tanong ko nang makitang isang pares ng sneakers ang nandoon. Ayos naman iyon. Pinaghalong kulay puti at abuhin pero kasi hindi ako sana magsuot ng sneakers. "Hindi ho kayo pwedeng magheels sa pupuntahan natin," tugon nya saka nakangiting tinignan isa-isa ang mga hawak ko. Nangunot ang noo ko. Saan kaya kami pupunta? Alam nya kaya kung anong mayroon ngayon? Pero imposible. Masyado akong naintriga sa naging tugon nya kaya naman hinayaan ko syang magmaneho na lang. Lumipat ako sa likod saka nagsimulang magbihis. Paulit-ulit kong hiniling na tumingin si Arthur sa rearview mirror pero hindi nangyari iyon. Nang matapos magbihis ay muli akong lumipat sa harap. Pilit kong kinikilala ang nadaraanan pero wala akong matandaan sa lugar na ito. Kunot ang noong nilingon ko si Arthur at mahina akong napatawa nang halos magsuntukan na ang mga kilay nya habang nakatingin sa cellphone nya. "What happened?" Tanong ko. "Ah kasi ho nasira na yata yung cellphone ko. Naroon ang mapa ng pupuntahan natin." Nahihiyang tugon nya. Kinamot nya ang kanyang ulo saka naiilang na ngumiti sa akin. Ipinakita nya ang cellphone nyang ayaw nang mabuhay. "Saan ba tayo pupunta?" "May mapa yata akong drinawing. Saglit ho, Miss Mindy ha?" Saad nya saka iginilid ang sasakyan. Binuksan nya ang trunk ng kotse saka nakangiting nagpaalam sa akin. Pinanuod ko syang bumaba at tumakbo papunta sa likod ng sasakyan. Nagdrawing sya ng mapa? Yung totoo, anong year ba ipinanganak ang lalaking 'to? O baka naman time traveler ang isang 'to?! Inayos ko ang aking buhok habang hinihintay syang mahanap ang mapang sinasabi nya. Nang marinig ko ang pagbukas at sara ng punto ay bumaling ako sa kanya. "Found what your looking for?" "H-hindi ho." Nahihiyang umiling sya. Nasapo ko ang ulo ko. Yeah. Great! Ang aga nya pa akong ginising para maligaw lang! Madiin kong ipinikit ang aking mata para maiwasang mahambalos sya. Nang magdilat ay agad kong iniabot sa kanya ang aking cellphone. "Here. Use my phone." Salita ko. Mabilis naman nya iyong kinuha. Agad akong nag-was ng tingin nang makita ang malaki nyang ngiti sa akin. Childish. "Salamat po." Tumikhim ako saka itinuon ang paningin sa labas. Nanatili akong tahimik nang magsimula syang magmaneho. Kinilala ko ang bawat lugar na dinadaanan at hindi ko maiwasang hindi mapanganga sa kung gaano kaganda ang bawat tanawing nadadapuan ng mata ko. Nang huminto ang kotse ay hindi ko napigilan ang paghanga ko. Tanaw mula sa kinatitigilan ng kotse ang buong lugar — ang pinaghalong tanawin ng mga puno at building, ang mga kotse at ang asul na langit — lahat ay kakaibang saya ang dinadala sa akin. Ang malamig na ihip na hanging yumayakap sa akin at ang pagkanta ng mga ibon ay sapat na para alisin ang lungkot na nararamdaman ko mula kagabi. "Nagustuhan nyo po ba?" Tanong ni Arthur. Nang lingunin ko sya ay nanlaki ang mga mata ko nang makitang hawak nya ang isang cake at nakalatag sa kanyang likuran ang isang blanket at sa ibabaw non ay mga pagkain at inumin. "Maligayang kaarawan, Ms. Mindy."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD