Halos mabaligtad ko na ang buong bahay kakahanap kay Arthur. Nang magising kasi ako ay wala na sya sa tabi ko. Akala ko naman nasa CR lang sya o di kaya bumaba at nagpahanda ng pagkain pero maski sa attic ay hindi ko sya makita. Wala rin sya doon sa paboritong spot nya sa garden. Maski ang kotse na lagi nyang nililinis tuwing umaga ay tahimik lang na nagpapahinga sa garahe. Ilang ulit na rin akong nagtanong sa mga tao dito sa bahay pero ni isa daw ay walang nakakita sa kanya. Tinawag ko na rin ang cellphone nya pero out of coverage iyon. "Mindy, what happened?" Dad asked when he saw me. Nasa paanan ako ng hagdan at nakatungo't umiiyak. Nang lapitan nya ako ay mabilis akong tumayo at tinabig ang kamay nyang naroon sa aking balikat. "Where is he?" Matigas na tanong ko. Nagtatanong ang mga

