Unti-unti kong naramdaman ang panghihina ng aking mga tuhod. Namamasa ang mga mata ko habang mas lalo silang lumalapit. Pakiramdam ko ay natuod ako sa kinatatayuan. Hindi ko nagawang humakbang nang tuluyan bagaman naroon sa ang isang paa ko sa labas ng elevator. "M-mindy." Rinig ko ang pag-aalala sa boses ni Clarisse. Isang malalim na hininga ang aking pinakawalan at mabilis na tumingala para maiwasan ang tuluyang pagpatak ng aking mga luha. Pilit ang ngiting tinapunan ko sya ng tingin at nanginginig ang mga paang lumabas ako ng tuluyan. Hindi ko man lang nakita ang pagkagulat na gumuhit sa mukha ni Arthur nang makita kami. Bumaba ang tingin ko sa kamay nyang naroon sa baywang ni Stormi pero imbis na bitawan ay kitang-kita ko kung paano iyon mas humigpit pa sa pagkakahawak. Pakiramdam

