Parang sirang plaka na nagpaulit-ulit ang katagang iyon sa aking pandinig. Nanatili akong nakatitig sa kanya bagaman wala na sa akin ang kanyang paningin. Pilit kong hinahanap ang pagkukunwari, ang kasinungalingan ngunit maski isa man sa mga bagay na inaasahan ko ay wala akong nakita sa kanyang mukha o kilos. "B-babe." Pilit ang ngiting hinawakan ko ang kanyang kamay ngunit tulad ng malamig na panahon ay parang nakikiayon sya at nilalamigan din ang kanyang pakikitungo nang padausdosin nya ang palad ko paalis sa kanyang balat na animo'y puno ng pandidiri. "Babe look at me," saad ko. Hinawakan ko ang kanyang pisngi, "let's fix this, babe. Kung may problema ay pwede mong sabihin sa akin. If it's dad, you don't need to worry. Stop joking, please. Alam naman natin pareho na mahal mo ako," I

