Nakatulala si Dos habang pinagmamasdan si Mia na masayang pumasok ng kanilang tahanan. Kung siya lamang ang masusunod ayaw niya sana itong patirahin kasama nila. Pero dahil sa kagustuhan ni Verena mapipilitan talaga siyang pakisamahan si Mia. "As much as possible I don't want you to get in trouble. I trusted you babe," wika pa nito kay Verena. "Thank you babe," ngumiti lang ito sa kanya saka muling nagpasalamat. Pumasok nga sila ng kabahayan—nakasunod lamang sila kay Mia na prenteng naglakad papasok sa loob. Paakyat na sana ito ng hagdanan ng pigilan siya ni Dos. "Stay there Mia," lumingon naman si Mia ng may pagtataka. "Why? Gusto ko ng magpahinga—I want to go to my room." "You're not going upstairs. Manang Lolit, malinis ba 'yong isang room sa tabi ninyo?" ang tinutukoy niyang kwa

