She doesn't know if it is the right thing to do. Is it wrong to look for an answer? Is it wrong to make a way for her to win this time? Her lifelong happiness depends on it, but why does it seem that happiness is still elusive for her? "Alam ba ni Dos ang tungkol dito?" tanong pa ni Larry sa kanya. Umiling naman si Verena. "Wala siyang alam Larry—tanging kayo lang ni Marco." "Verena, hindi kaya magalit ang future husband mo sayo? Hindi pa man kayo mag-asawa nagtatago kana ng sikreto sa kanya." muli ay turan ni Larry kay Verena. Bigla siyang natahimik, paano kung malaman ni Dos ang ginawa niya? Baka isipin pa niya na wala siyang tiwala sa kanya. Ano man ang kalalabasan ng gagawin niya—umaasa siyang maiintindihan iyon ni Dos. "Walang hiya kang bakla ka—ikaw ang umalis dito sa pamamaha

