"Larry— Marco and even you Heather I need to talk to the three of you," napakunot ang noo ng tatlo na bumaling sa kanya. "Bro, may problema ba?" pansin ni Heather na panay ang paghinga ni Dos ng malalim. "Teka nga Papa Dos, may humahabol ba sa'yo?" nagtatakang tanong pa ni Marco. "Magsabi kayo sa akin ng totoo—I want to know that truth. Sino ang Ama ng kambal?" tanong ni Dos kay Marco habang mahigpit itong hinawakan sa may braso. Gulat na gulat din si Heather—kung bakit tila nagka-interes si Dos sa kambal. "Bro ano ba'ng nangyayari sa'yo?" nagtatakang tanong nito kay Dos. "Oo nga Papa Dos, ano ba'ng sinasabi mo?" sabad naman ni Larry. "Alam kong alam niyo kung ano'ng ibig kong sabihin—now tell me Marco, who's the father of Pyper and Tyler?" nanlaki ang mga mata ng dalawa saka sila n

