HINDI mapigilan ang pagtulo ng kanyang mga luha habang tumatakbo palabas ng bulwagan na iyon si Verena. Sa dami ng babaeng pwede niyang maging karibal—bakit ang dating bestfriend pa niya? Hindi iyon katanggap-tanggap para sa kanya—lalo pa't minsan ng sinira ni Mia ang buhay niya. "May nagawa ba akong mali? Bakit ang unfair ng mundo para sa akin?" nanghihina siyang napasandal sa pader, "Ang tanga-tanga mo Verena!" halos iuntog na niya ang ulo sa pader. Wala na sa ayos ang suot niyang damit. Pati ang suot nitong french pointed high heeled sandals—itinapon na lang kung saan. "Verena, ikaw nga." boses iyon ng lalake, ng linungin niya ito dito niya nakumpirma na si Leo nga ang tumawag sa kanya. "You're crying," "Leo," tanging nasambit niya. "And why are you crying? Ngayon lang kita na

