Nang makaalis na ang mga tao at naiwang nakahandusay si Padre Manuelo ay tumatakbong nilapitan siya ni Antonio.
“Gumising ka, Manuelo, pakiusap gumising ka,” lumuluhang sabi ni Antonio.
Dahan-dahan namang nagmulat ng kaniyang mga mata si Manuelo. Bakas sa mukha niya na nahihirapan na siyang huminga. Mula sa kaniyang pisngi ay dumadaloy ang dugo mula sa kaniyang ulo.
Marahang inalis ni Antonio ang suot niyang salamin at mula doon ay umagos ang luha mula sa kaniyang mga mata.
Tahimik na ang paligid, at tanging silang dalawa na lamang ang naiwan sa bungad ng simbahan. Matapos siyang pahirapan ng mga guwardiya ay umalis na rin ang mga ito kasama sina Monsenyor Diosdado at Dominador. Habang kalong ni Antonio si Manuelo walang tigil sa pagpatak ng kaniyang mga luha. Tila sumasabay pa rito ang huni ng mga kuliglig at panggabing ibon sa paligid.
Pinilit ni Manuelo na kahit sa huling sandali ay mahawakan niya ang mukha ni Antonio.
“Magkikita tayong muli, Antonio,” nahihirapang sambit nito.
Suminghap muna ito bago sumagot.
“Hihintayin kita, kahit ilang beses pa akong mabuhay muli, maghihintay ako sa ‘yo, Manuelo,” puno ng emosyon na sagot nito.
Hanggang sa bumagsak ang kamay ni Manuelo at tuluyan nang pumikit ang kaniyang mga mata.
Niyakap siya ni Antonio nang mahigpit, at humagulhol nang napakalakas tanda ng labis na pagdadalamhati sa sinapit ng kanilang kapalaran.
Sumisinghap na sinapo ng dalawang kamay ni Val ang kaniyang mukha. Pakiramdam niya ay para siya mababaliw sa mga alaalang iyon. Hindi lang isip niya ang natutuliro kundi pati ang emosyon niya. He can feel it deep inside, that heartbreaking scene and it felt like he was there. He was slowly reaching for that face kahit hanggang sa kaniyang huling hininga, Wala pa ring tigil ang pagbagsak ng kaniyang mga luha kahit pa tila unti-unti nang nawawala ang sakit ng kaniyang ulo. Pero tila galing siya sa mahabang pagtakbo dahil hinahabol niya ang kaniyang paghinga.
Hindi niya halos maalala kung paano siya nakarating sa park ng campus kung saan makikita ang tuktok ng main building. Sa gawing kaliwa naman ay makikita ang twin fountain. Napaupo siya sa bench habang hawak pa rin ng isang kamay ang kaniyang noo.
“Manuelo? Who are you?” tanong niya sa sarili at dahan-dahang sinapo ang bahagi ng kaniyang dibdib. “Why am I able to feel your pain? Why does it feel like my own pain?” dagdag pa niya.
Inayos niya ang kaniyang sarili at pinunasan ang luha sa mga mata. Nag-angat siya ng mukha at mula sa kaniyang kinauupuan ay muli niyang binasa ang ‘Univesidad de Don Manuelo’ sa itaas ng main building. Tinitigan niya ito nang mariin.
“Ano bang kaugnayan ko sa ‘yo, Padre Manuelo?” tanong niya sa sarili.
Hindi na siya muling bumalik sa library at nagpasya na lamang na umuwi nang oras na iyon. Hindi na niya inisip kung maging isang malaking katanungan man para kay Phoebe ang biglaan niyang pag-alis.
Sa sumunod pang mga araw ay tila wala sa sarili si Val. Laman pa rin ng kaniyang isip ang mukha ni Padre Manuelo Sebastian. Hindi siya makapag-concentrate sa lecture ng professor niya at kahit sa training ay madalas din siyang nakatulala.
Habang nakaupo siya sa bleachers ay lihim na nakatingin sa kaniya si Rave. Halata sa mga mata nito ang pag-aalala nito sa kaniya. Kahit pa nagseselos ito sa pagiging malapit nilang dalawa ni Cali ay hindi naman nito maiwasang mag-alala pa rin kay Val kung kaya hindi ito nagdalawang-isip na lapitan siya.
“Are you okay?” tanong ni Rave.
“Y-yeah,” maiksing sagot ni Val.
“It seems like, something is bothering you. You can tell me,” sabi nito at saka tumabi sa kaniya. Pakiramdam ni Val ay bumalik na ang dating Rave na una niyang nakilala. “You know, I’ve missed this. Talking to you like this,” dagdag pa nito.
Ngumiti naman siya rito at ganoon din ito.
Val could feel na somehow ay gumaan ang pakiramdam niya. Muli niyang naalala kung paano siya patawanin nito at maging ang mga pagkakataon na tinuturuan siya nito ng mga basic kicks bago ang convention.
“Thanks for being back,” bigkas ni Val.
Ngumiti ito pero nakatingin ito sa malayo at bahagyang yumuko saka tumingin sa kaniya. Mula sa sulok ng mga mata nito ay tila may lungkot na nakatago.
“I never left. I was always watching you,” tugon nito.
“Are you still mad at Cali?” tanong niya. Nanatili naman itong tahimik.
Ipinatong ni Val ang kaniyang kamay sa balikat nito at marahang at marahan itong tinapik.
Ilang sandal rin silang naging tahimik hanggang sa muling nagsalita si Val.
“Have you wondered how we ever get into this world?” tanong ni Val. “And the role we are playing at?” dagdag pa nito.
Napalingon naman sa kaniya si Rave at na halatang nagtataka sa kaniyang sinabi.
“Sorry, I’m being deep and sentimental,” natatawang sabi niya nang makita ang reaksyon nito.
Maya-maya ay tinawag na siya ni Cali dahil natapos na ang kaniyang 15 minute break. Muli naman siyang tumingin kay Rave. Napansin niyang tila nagtataka pa rin ito sa sinabi niya pero hindi na niya ito pinansin dahil nagmamadali na siyang bumalik sa training.
Alam ni Val na napapansin din ni Cali ang kawalan niya ng gana sa training. Hindi lamang ito umiiimik pero makikita sa mga mata nito ang pagtataka sa tuwing kinakausap siya nito at siya naman ay tila wala sa sarili.
Pagkatapos ng training ay inaya siya nito na muling mamasyal sa River Park. Pumayag naman siya, naisip niyang pagkakataon niya na rin ito para kalimutan sandal kung ano man ang mga katanungang bumabagabag sa kaniya.
The last time na nagpunta sila rito ay hindi sila bumaba sa river banks kung saan makikita ang mga tindahan ng tiangge, kainan at rides kung kaya doon siya dinala ni Cali.
Ito ang unang pagkakataon na mamasyal ni Val sa ganitong lugar kaya mahahalata sa kaniyang reaksyon na tila manghang-mangha siya sa dami ng mga tao at maging sa iba-ibang pagkain na ibinebenta rito.
Maya-maya pa ay nagulat siya nang marinig ang malakas na sigawan ng mga nakasakay sa vikings. Bahagya siyang napaatras dahilan upang mapasandal ang kaniyang likod sa dibdib ni Cali na nakasunod lamang sa kaniya.
When he felt Cali’s chest against his back ay bigla siyang natigilan at hindi agad nakaimik.
“Is it your first time na pumunta sa ganitong lugar?” tanong ni Cali sa kaniya.
Dahan-dahan naman niyang inayos ang pagkakatayo at inilayo ang sarili. He suddenly felt awkward. Pansin niya namang natawa sa inasal niya si Cali.
“Well, my parents used to bring me sa isang park, pero hindi ko na maalala kung saan iyon. I can only remember tall trees, flowers and butterflies. Like a garden,” mahabang sagot niya.
“You must really love nature,” saad naman ni Cali.
“That’s true. When I was in high school I always join tree planting activities when there’s an opportunity,” paliwanag niya.
“How about now, do you still wanna do it?” tanong ni Cali.
“Yeah. Phoebe told me that the student council will organize a tree planting activity next month,” sagot niya naman. “You may also come if you want,” dagdag pa niya.
“Sure, I’ll bring the whole team,” nakangiting sagot nito.
“That’s a good idea!” malapad ang mga ngiti na bulalas niya rito.
As they walk past the stalls that sell statement T-shirts and souvenirs ay sumunod naman ang mga food stalls.
Nabigla si Val nang bigla siyang hinawakan ni Cali sa kamay.
“W-why?” tanong niya.
“The last time na inaya kitang kumain ng Takoyaki, you refused,” seryosong sabi nito sa kaniya.
“W-what?” nagtataka niya namang tanong dahil sa sinabi nito.
Doon niya naalala na hindi nga siya sumama rito dahil nang time na ‘yon dahil naalala niyang may pasok pa siya. Naalala niya rin ang inasal nito nang magkita sila sa Takoyaki stall kasama sina Rave at Athena.
“You can no longer refuse this time,” seryoso pa ring sabi ni Cali sa kaniya.
Hinila siya nito sa kamay kaya wala siyang nagawa kung hindi ang sumunod dito. Habang ginagawa iyon ni Cali ay lihim naman na napangiti si Val. Habang hawak nito ang kaniyang kamay at nakapamulsa naman ang kabila ay tila slow motion silang naglalakad. Maingay ang buong paligid dahil sa mga batang naglalaro, mga customer na nakikipag-bargain sa mga tindera ng kung ano-ano at ang panaka-nakang sigawan ng mga nakasakay sa rides, pero tila musika na lamang ito sa pandinig ni Val dahil nakatuon ang kaniyang atensyon sa mukha ni Cali. Val was sure that Cali was really attractive even during the first time na nagkita sila. Hindi man ito madalas nakangiti ay very expressive naman ang mga mata nito—mga mata na lagi niyang naiisip na pamilyar sa kaniya, na para bang matagal na niya itong nakita pero hindi niya maalala.
“Hey, Val!” Nagulat siya nang marinig ang kaniyang pangalan. Doon niya lang na-realize na kanina pa pala siya nito kinakausap.
“W-what?” nauutal niyang sambit.
“I said what’s your drink?” tanong nito.
Umiwas siya ng tingin dito at binasa ang nakasulat na menu sa malaking cork board.
“I’ll have fresh lemonade with herba buena,” sagot niya naman.
Nang lumingon siya sa paligid ay nasa dulong bahagi na pala sila ng park. Hindi na gaanong maingay. Wala na ring mga bata na naglalaro at mahahalata sa paligid na pawang mga may kapares ang mga nandito.
Habang iniikot ni Val ang kaniyang mga mata ay napadako siya sa isang poste ng ilaw, sa gilid nito ay may isang bench na nakaharap sa ilog. Dahan-dahan siyang humakbang papunta rito at umupo. Malamig na ang paligid. Makikita ang tila sumasayaw na repleksyon ng mga ilaw sa tubig na iba-iba ang hugis. Matatanaw rin mula rito ang kabilang pampang at makikitang may mga nagbibisekleta pa rin sa ganitong oras.
Maya-maya ay tumabi sa kaniya si Cali dala ang in-order nila at inilapag ito sa kanilang pagitan.
“Thanks.” Ngumiti siya at kinuha ang drinks at agad na inilapit ang bibig sa straw.
“It’s wonderful, as always,” sambit ni Cali.
“Do you come here often?” tanong niya after he took a sip.
“Yeah. After the training, I come here,” muli itong uminom ng drinks. “How do you find it?” tanong nito sa kaniya.
“I agree with you. Thanks for bringing me here, Cali,” sagot niya.
“Thanks also for refusing na sumama sa akin ng time na ‘yon,” nakangiti nitong sabi.
“Why?” nagtataka naman niyang tanong.
“So, you could appreciate this place more,” sagot nito.
“This place is more romantic during the night. Is that what you’re trying to say?” tanong niya naman.
Ngumiti naman ito sa kaniyang sinabi.
“Yeah, you can say that,” sagot nito.
“It is,” maikling sagot niya.
Mula sa sulok ng kaniyang mga mata ay ramdam niyang nakatitig sa kaniya si Cali na parang may nais itong sabihin.
Pero napukaw ang atensyon nilang dalawa sa kaluskos na nanggagaling sa trash bin na nasa kaliwang bahagi ng poste kung saan malapit silang nakaupo.
Sabay silang napatingin sa babaeng naghahalukay ng kung ano mula sa basurahan. Tiningnan niya ito nang mabuti at naalala niyang ito ang babaeng nakita niya sa labas ng campus.
Maya-maya ay nag-angat ito ng tingin at tinitigan silang dalawa. Kung paanong tinitigan siya nito nang araw na iyon ay ganoon din ang ginawa nito kay Cali habang dahan-dahan itong lumalapit sa kinauupuan nila.
Bagamat kalmado ay mahahalata rin sa ekspresyon ni Cali ang pagtataka sa ikinikilos ng babae.
Halos hindi ito kumukurap na nakatitig kay Cali.
“Maghihintay ka, pero hindi mo hawak ang itinakda, mauulit at mauulit ang nakaraan.” Matapos nitong magsalita habang nakatitig nang mariin kay Cali ay inilipat naman nito ang mga mata kay Val.
“Tsk, tsk, tsk!” palatak nito habang marang pinipilig ang ulo.
Natigilan naman ang dalawa. Hindi sila makapagsalita sa sinabing iyon ng babae. Gumuguhit sa kanilang kaibuturan ang mga sinabi nito na para bang may kung anong emosyon na nais kumawala.
Maya-maya ay narinig nilang sumigaw ang may-ari ng food stall.
“Hoy! Andito ka na naman, nanggugulo ka naman!” sigaw nito sa babae.
Kaagad namang umalis ang babae na tila may sinasabi pero hindi na nila ito maintindihan.