Team Building or Team Rivalry

2025 Words
The e-bus stopped right at the main gate kung saan nakaparada ang university bus na sasakyan ng buong team papunta sa Iba, Zambales kung saan gaganapin ang kanilang team building. Bumaba si Val na hawak sa kanang kamay ang kaniyang duffle bag na naglalaman ng kaniyang mga gamit sa loob ng tatlong araw nilang pag-stay doon. Nang lumapit siya rito ay napansin niyang busy si Cali sa pag-aayos ng mga seedlings na nakalagay sa tray at ang iba naman ay nasa plastic. Tinutulungan naman ito ng ibang team mates na maayos itong ilagay sa bus luggage compartment. Nang mapansin siya ni Cali na nakatayo ay lumapit ito sa kaniya. “We won’t be able to join the student council’s activity, so I talked to Sir Shino na i-include sa activity natin ang tree planting,” sabi nito sa kaniya. Tumingin naman siya rito at ngumiti. “I like that,” sambit niya. Nang mapansin nito ang hawak niyang duffle bag ay tinangka nitong kunin ito mula sa kaniya. Kaagad naman itong iniwas ni Val. “Why? I just want to help you,” nagtatakang sabi nito nang mapansin ang ginawa niya. “No. It’s okay. Magaan lang naman ‘to.” Katatapos pa lamang niyang magsalita nang bigla niyang naramdaman na may humawak sa kamay niya at kinuha ang kaniyang duffle bag. Nang lumingon siya ay nakita niya si Rave na nakangiti sa kaniya. “Tara na. Akyat na tayo sa bus,” malapad ang mga ngiti na anyaya nito sa kaniya. Tumingin din ito kay Cali nang nakangiti. Gusto sanang magtaka ni Val sa ipinakitang iyon ni Rave pero naisip niyang mas mabuting makita itong nakangiti at maayos na ang pakikitungo kay Cali lalo pa at team building nila ito. “Tara?” ulit nito. Tumango naman siya at saglit pang tumingin kay Cali. Napansin niya naman ang marahang pagtango nito at pagkatapos ay bumalik na sa mga seedlings na ino-organize nila sa compartment ng bus. Sumunod na siya kay Rave habang bitbit nito ang kaniyang bag at magkatabi silang umupo. Ilang sandali pa ay nagsimula na ring sumakay ang lahat kasama na si Cali. Tumingin muna ito sa sa kanilang dalawa na magkatabing nakaupo bago humanap ng sarili niyang mauupuan. Bandang huli ay nasa likuran nila ito umupo. “Maganda raw mag-stargazing doon, napanood ko sa isang vlog,” sabi ni Val. “Do you want to see it?” tanong nito. “Yes.” Bahagyang nilingon ni Val kung nakikinig ba sa usapan nilang dalawa si Cali pero hindi niya ito ipinahalata. Bakit nga ba naman siya concerned kung naririnig man nito ang usapan nilang dalawa ni Rave. “We can sneak out of the camp. I know the best place to see it. I’ve been there once,” excited nitong sabi sa kaniya. Tumango naman siya bilang pagsang-ayon dito. Nagtataka man siya sa pinapakita nito ay natutuwa na rin siya dahil tila bumalik na ang dating Rave na nakilala niya. Habang nasa biyahe ay nakaramdam ng antok si Val, hindi na nito namalayan na nakasandal na pala ang ulo nito sa balikat ni Rave. Napangiti naman si Rave nang mapansin na himbing ito sa pagtulog kung kaya bahagya niyang inayos ang ulo nito sa kaniyang balikat. Mula naman sa likuran ay nakikita ito ni Cali at hindi nito maiwasang makaramdam ng inggit sa dalawa. “Tss, he didn’t want me to carry his bag, and now he’s sleeping on his shoulders,” himutok ni Cali sa sarili. Matagal na niyang kaibigan si Rave at sa tingin niya ay kilala na niya ito sa haba ng mga pinagsamahan nila, pero pakiramdam niya ay unusual ang ipinapakita nito. May kakaiba sa ikinikilos nito na hindi niya maintindihan. Dahil ba nagseselos lang siya? At bakit naman siya magseselos? Bumuntong hininga si Cali sa sunod-sunod na mga kaisipan na naglalaro sa utak niya. The only reason why he grabbed that duffle bag kanina is to make sure na magkatabi sila sa upuan. Padabog niyang ibalik sa pagkakasandal ang kaniyang likod at ipinikit ang mga mata. After a couple of hours na pagtakbo ng bus ay gabi na nang makarating sila sa mismong resort na pupuntahan nila. The moment na tumapak ang sapatos ni Cali sa lupa pagbaba niya ng bus ay rinig na niya agad ang paghampas ng alon sa dalampasigan. Maliwanag ang buong paligid ng resort dahil sa mga ilaw nakalagay sa halos lahat ng bahagi at sulok nito. Malamig ang hangin na tumatama sa kaniyang balat, pero sariwa ito at talagang napakaginhawa sa pakiramdam. Hindi na niya namalayan ang pagbaba nina Val at Rave dahil nang magising siya ay wala na ang mga ito. Maya-maya pa ay tinawag siya ni Sir Shino. “Hey, Cali, bakit nandiyan ka pa? Tayong dalawa ang magkasama sa cottage. Do you mind kung mauna na ako?” tanong nito sa kaniya. “Yes, Sir. Susunod na lang ako,”sagot niya naman. He went to the beach na nakasukbit sa kaniyang balikat ang backpack niya. He wanted to scan the surroundings first, hindi niya mapigilan ang sarili na hindi muna pumunta sa dalampisagan. Hindi na niya maalala ang huling beses na nakapunta siya sa beach kaya marahil nakakaramdam siya ng excitement. May mga maliliit na ilaw mula sa mga bangka na naglalayag sa malayo at sa kabilang bahagi naman ang nakahiwalay na isla kung saan nakatirik ang lighthouse na paandap-andap. Cali caught a deep breath, he could really say that this place is a paradise. Maya-maya ay may tumabi sa kaniya. “There will be a lot of activities tomorrow. Are we going to compete to each other?” Nagtaka si Cali sa tanong na iyon ni Rave. “What made you think na may competition na mangyayari?” tanong niya naman dito. “Because that’s who we are,” sagot naman ni Rave. Cali sighed. “Can you stop it, Rave?” pakiusap niya rito. “Why? It’s the truth, we’ve always been rivals,” sagot naman nito habang nakatingin sa malayo. “Bakit mo ba naiisip ‘yan? Do you really think na nakikipagkompetensya ako sa ‘yo? Come on, Rave, we’ve been friends for a long time. ‘Yan ba talaga ang tingin mo sa akin?” mahabang paliwanag ni Cali. Tumingin sa kaniya si Cali at tinitigan siya nang mariin. “I don’t know. Because the only thing I know is that I always lag behind you and that you always get what you want.” Mahina lamang ang boses ni Rave habang binibigkas ang mga salitang binitiwan nito pero ramdam niyang napakalalim ng pinaghuhugutan nito. “I’ll never gonna let that happen again, not this time,” saad pa nito bago tuluyang tumalikod sa kaniya at bumalik na sa cottage. Naiwan si Cali na nakatulala. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang mga sinabi sa kaniya ng kaibigan. “Did he really mean it? Why was he acting like this all of a sudden?”  magkasunod na tanong niya sa sarili. Lumipas ang gabi na laman pa rin ng isip ni Cali ang mga sinabi ng kaibigan. Aminado siyang apektado siya sa lahat ng sinabi nito lalo pa at hindi niya alam kung saan siya nagkamali o kung may nagawa ba siyang kasalanan. Pero kahit anong gawin niya ay wala siyang natatandaan maliban sa pagtulak nito sa kaniya noong gabing inalalayan niya si Val. Naguguluhan siya sa mga pinagbago nito lalo pa at napapansin niyang nagseselos ito sa tuwing magkasama silang dalawa ni Val. Kinaumagahan ay sa beach sila nagtipon upang gawin ang mga activities. Sa utos ng host ay bumunot sila ng papel upang malaman kung anong team sila kabilang. Magkasama sina Val at Rave samantalang nasa kabilang team naman si Cali para sa una nilang laro na Tug of War. Alam ni Cali na determinado si Rave na talunin ang team nila. Makikita sa mga kilos nito na masyado nitong dinidibdib ang laro. Napapansin naman niya ang reaksyon ni Val sa tuwing nahuhuli nitong nakatingin sa kaniya si Rave. Hinayaan niya itong manalo sa lahat ng mga games. Wala siyang planong ibigay dito ang gusto nitong rivalry kahit pa ganoon ang tingin nito sa kaniya. Para sa kaniya ay useless kahit pa patulan niya si Rave sa gusto nito. Hindi niya kailanman itinuring na kakompetensya ito sa kahit na anong bagay. Natapos ang activity nila sa umaga at sa hapon naman ay nagtungo sila sa bundok kasama ang mga guide nila na nangangalaga sa mga bundok upang isagawa ang kanilang tree planting activity. Napansin ni Cali na mag-isang nagtatanim si Val kaya nilapitan niya ito. “Here. Use this.” Iniabot niya rito ang hawak niyang shovel. “Thanks!” Umupo na rin siya at sinamahan ito. “How’s your night? Nakatulog ka ba nang maayos?” tanong niya rito. “Yeah. I like my room actually. The windows are facing the beach, so I could get a glimpse of it last night,” mahabang sagot nito. Tumango naman siya at saglit na napaisip. “H-how about Rave. Aro you sharing the same room?” tanong niya rito na bahagyang nag-aalangan. Hindi naman ito sumagot bagkus ay huminto ito sa ginagawa at nag-angat ito ng tingin.   “W-what?” tanong niya na bahagyang naiilang nang makita ang reaksyon nito. “Are you jealous?” diretsong sagot nito. “What? No. I mean… ,” nilayo niya ang kaniyang mukha at tumingin sa malayo. Ngumiti naman si Val nang mapansin na tila naiilang siya. “Why does he have to be so straightforward?” himutok niya sa sarili. “Rave stayed in another room. I think we were paired alphabetically,” sagot nito. Bahagya namang lumuwag ang pakiramdam ni Cali sa narinig at ipinagpatuloy ang ginagawang pagbubungal ng lupa. Maya-maya pa ay nagulat siya nang napahawak si Val sa mata nito. “Hey, are you okay?” concermed na tanong niya. “I think there’s something in my left eye,” sabi nito habang nakararamdam ng kirot sa mata nito. Binitawan naman ni Cali ang ginagawa at tinanggal ang suot na gloves saka hinawakan ito sa mukha. “Let me see,” mahinang sabi niya rito, Hinayan naman siya nito. Maingat niyang hinawakan ang mata nito at inilapit ang kaniyang mukha. Ilang pulgada lamang ang distansya nila sa isa’t isa. Hindi maikakaila ni Cali pero nakakaramdam siya ng kakaibang sensasyon habang halos magdikit na ang kanilang mga mukha. Muli niyang naalala ang aksidenteng paglapat ng kanilang mga labi ng gabing iyon. Si Val naman ay tila halos hindi na makahinga sa bilis ng pagtibok ng kaniyang dibdib. Ilang pulgada na lang ang layo ng mukha niya kay Cali. Lalo pa siyang namula nang maalala ang gabing iyon. Maya-maya pa ay naramdaman niyang hinipan ni Cali ang kaniyang mata. “Are you okay now?” tanong ni Cali. “It’s better,” maiksi niyang sagot. Muli silang nagkatitigan at pinilit unawain kung ano nararamdaman nila sa mga oras na iyon. Val was known for being honest, pero sa pagkakataong iyon ay hindi niya lubos masabi kung ano ang nararamdaman niya. Hindi nila napansin na pinaliligiran na pala sila ng kanilang mga kasama. Nang tumingin sila sa paligid ay nagpalakpakan ang mga ito dahil kanina pa pala sila pinapanood ng mga ito. Makikita naman ang mga masamang titig ni Rave sa kanilang dalawa habang nasa ganoon silang posisyon. Cali felt happy na nakasama niya si Val sa activity na iyon dahil aminin man niya o hindi, gusto niya iting makasama lagi. Pero alam niyang imposible itong mangyari dahil madalas na nakadikit dito si Rave. Biglang naalala ni Cali ang sinabi nito sa kaniya. “It’s the truth, we’ve always been rivals.” Cali thought about this nang paulit-ulit. “There is only one thing in which we’re rivals,” bulong niya sa sarili at tumingin siya kay Val na ngayon ay inaayos ang mga tools na ginamit nila habang tinatamaan ng sikat ng araw ang mapulang pisngi nito at alon-alon nitong buhok. Napangiti siya sa kaniyang natuklasan. “Hey, tara na!” sigaw nito sa kaniya. Tumango naman siya at ipinamulsa ang mga kamay saka sabay silang naglakad pababa ng bundok na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD