THREE.

2210 Words
THREE   “Jen, we need to hire your personal bodyguard, that way I can sleep soundly at night!” Matigas nitong saad sa kanya.   Marahas siyang nagbuga ng hangin at minasahe ang kanyang sariling sentido. Isang linggo na simula nang mangyari ang pagpatay sa isa sa mga stalker niya, hindi nahuli ang taong may gawa niyon kaya gano’n na lang ito kung matakot para sa kaligtasan niya. Ang tinitingnan ng mga pulisya ay baka kapwa stalker ang may gawa niyon at hindi nagustuhan ang ginawang pambabastos sa kanya.   Paglipas ng tatlong araw ay may nag-iwan naman sa tapat ng kanyang dressing room ng isang kahon na may patay na rabbit, hindi niya alam kung ano ang kahulugan niyon o kung bakit bigla siyang nagkaroon ng ganoon. May iniwan itong note at sobra siyang kinilabutan dahil galing din iyon sa isang stalker niya kuno at hindi nagustuhan ang ginawang pambabastos sa kanya.   Ang patay na rabbit ay nagpipresenta sa stalker niyang binaril at ang sabi sa sulat ay pasalamat na lang daw ito at wala siya roon dahil kung ito ang nakakita sa pambabastos na ginawa ng lalakin g iyon ay gigilitan daw nito ng buhay!   At kahapo habang pauwi siya ay naramdaman niyang tila may sumusunod sa kanya kaya minabuti niyang mag-drive papunta sa pinakamalapit na estasyon at doon nagpasundo sa kanyang manager.   “Please, darling. It’s for your safety,” pangungumbinsi pa nito.   Huminga siya ng malalim at walang nagawa kundi ang tumango at sumang-ayon dito. Walang masama sa gusto nitong mangyari at siguro iyon nga ang makabubuti para sa kanya dahil kahit sunod-sunod ang mga death threats na dumarating sa kanya ay sunod-sunod naman ang blessing na natatanggap niya. Hindi niya magagawa iyon kung nandito lang siya sa loob ng bahay.   “Okay,” sagot niya.   Nagliwanag ang mukha ng kanyang manager at nagpaalam muna sa kanya para tawagan ang ahensiyang napili nito.   Pagkasara ni Amielle nang pinto sa kanyang kuwarto ay agad niyang kinuha ang kanyang cellphone at kinuha ang calling card na binigay sa kanya ng isa sa mga kakilala niya.   Queen’s Men Lair. Athena. 09xxxxxxxxx   Pagka-dial niya ng numero ay agad niyang narinig ang isang boses ng babae.   “Yes, may I help you?” tanong ng babae sa kabilang linya.   “Ah, yes, please, is this Athena?” aniya.   “Yes, Ma’am, it is. How can I help you?”   Tumikhim muna siya bago nagsalita. “I need to hire a bodyguard from your agency, someone says you have the best agents and I want one. I can pay for any amount.”   “Who’s this speaking, Ma’am?” magalang niyang tanong.   “Amielle Santos,” sagot niya.   “Oh, the manager of the talk of the town, Superstar, it’s a pleasure to meet you, Ma’am.” Magiliw nitong saad.   Hindi siya kumibo at hinintay na lang kung ano ang sunod nitong sasabihin. Ang sabi sa kanya ay mahuhusay daw ang mga agents ng organisasyong ito at malinis trumabaho. Alam din niyang undercover ang organisasyong tinawagan niya kaya naman mas nakakasiguro siyang secured ang kanyang alaga.   Hindi na niya nagawa pang bumuo ng isang pamilya dahil itinuring na niyang anak si Jenna at bilang isang magulang ay labis ang pag-aalala niya para dito.   “Okay, Ma’am, I’ll send someone for you, tomorrow, first thing in the morning. Sa ngayon kasi ay naka-duty ang agent na ibibigay naming sa inyo. If it’s okay with you but if not—”   “No, it’s fine, I can wait,” agaw niya pa sa sinasabi ng kausap. “Pakibigay na lang ang full amount na babayaran ko para maipadala ko kaagad sa account niyo.”   “Right away, Ma’am! Thank you, for choosing our service, I assure you, you’re in good hands.”   Pagkatapos nilang mag-usap ay agad niyang binalikan ang kanyang alaga, dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng kuwarto nito para silipin kung anong ginagawa nito. Nang makita niyang mahimbing na itong natutulog ay hindi na siya tumuloy pa, ngunit napahinto siya nang mahagip ng kanyang mata ang isang maliit na bagay na umiilaw sa ’di kalayuan ng kama ni Jenna.   Pumasok siya sa loob ng kuwarto at pinuntahan ang vase na may mga bulaklak na nakalagay. Kinuha niya ang isang rosas at napagtantanong artifial lang iyon at nang pagmasdan niyang mabuti ay may nakakabit doon isang maliit na kulay berdeng camera.   “s**t!” Malakas niyang bulalas at inapakan ang camera.   “What are you doing?” Pupungas-pungas na tanong ni Jenna sa kanya.   “Saan galing ang mga bulaklak na ito?” Tanong niyang habang itinuturo ang mga rosas na nasa vase.   “Hindi ko alam, baka iyan pa ang mga bulaklak na ibinigay sa akin noong nakaraang linggo,” naguguluhang sagot nito sa kanya.   Inilibot niya ang kanyang paningin sa buong paligid, mukhang kailangan niyang ipa-check ang buong kabahayan bukas sa mga hidden camera kung meron pa man.   “Anong nangyayari, Mameh? Kinikilabutan ako sa ginagawa mo,” ani Jenna at bumaba sa kama.   Marahas siyang nagbuga ng hangin at pinulot ang  sirang hidden camera.   “I found this on the flowers,” aniya.   Nanlalaki ang mga matang kinuha nito ang maliit na aparatu at pinagmasdang mabuti. “I-ibig sabihin ay may nagmamanman sa akin sa mga nakalipas na araw?!” gimbal na tanong nito.   Huminga siya ng malalim at niyakap ang dalaga. Kahit hindi ito magsalita ay alam niyang nasasaktan ito at natatakot sa mga nangyayari dito.   “Huwag ka nang tatanggap ng mga regalo mula sa lalaking iyon, Jenna. Bukas na bukas din ay ipapa-check ko ang buong bahay mo sab ago mong Bodyguard, sa ngayon sasamahan na muna kita dito ngayon,” aniya.   “Nasaan pala si Lilith?” tanong niya nang hindi niya napansin ang PA nito.   “Nagpaalam sa akin, pinapatawag daw siya ng kanyang magulang, binigyan ko na muna ng tatlong araw na day off tutal wala rin naman akong ginagawa na kailangan ng assistance,” sagot nito.   Tumango siya at inakay itong muli sa kama. “Magpahinga ka na, dito lang ako.”   Muli itong humiga at pinilit na makatulog habang siya ay masusing tiningnan ang buong kuwarto. Pinatay niya ang mga ilaw para mas lalo niyang makita kung may mga nakatago pang camera sa buong kuwarto., Sinuwerte siya kanina dahil nakapatay ang katabi ng vase na led humidifier dahil kung nakabukas iyon ay tiyak niyang walang makakapansin niyon.   Kung iisipin niya ng mabuti ay parang sinadyang ilagay doon iyon para hindi mahalata ang hidden camera at tamang-tama lang ang anggulong iyon dahil kitang-kita ang kabuuan ng kuwarto sa parting iyon.   Mas lalong lumalaki ang kanyang hinala sa bagong PA ni Jenna, ngunit kailangan niya muna ng ebedensiya o di naman kaya ay mahuli ito sa akto bago niya ito ipakulong.     *****   Samantala, sa loob ng isang kilalang bar para sa mga babae at baklang naghahanap ng maikling kaligayan, ay may isang matipunong lalaki ang sumasayaw sa gitna ng entablado.     Guwapo, may magandang pangangatawan at higit sa lahat ay mga mapang-akit na ngiti sa mga labi. Iyan ang mga katangian ni Dionysus, nakatoka siya ngayon para magbigay ng aliw sa mga kostumer ng Bar at sino ba naman siya para hindian iyon.   Kumuha siya ng isang upuan na nasa gilid ng maluwang na entablado at inilagay iyon sa sentro, kung saan may nakalagay na mahabang pole para magamit nila sa kanilang pagsasayaw at pagpapaligaya sa mga kostumer nila.   Nakakaakit siyang ngumiti sa audience at narinig niya ang tila nagsisigawang tili ng mga bakla at mga babae.   “The one on the left corner, pick her,” anang boses sa kanyang tenga.   May suot siyang itim na maliit na hikaw na nagsisilbing audio device nila na ginagamit sa mga misyon. Napangisi siya at dahan-dahang gumiling palapit sa babaeng itinuro ni Athena, ibinigay niya ang napaka-sexy niyang ngiti at nang-aakit na tingin para makuha ang loob ng babae.   Kung hindi siya nagkakamali ay nasa mid-30 na ang babae ngunit halatang alagang-alaga nito ang katawan dahil sa magandang hubog ng katawan nito.   Kinuha niya ang kamay nito at dinala sa kanyang labi upang dampian ng halik. Napasinghap ang babae at pinasadahan agad siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Good thing may suot siyang mask sa mga mata niya kaya hindi siya nito magagawang makilala kapag natapos na ag gagawin niya rito.   Inakay niya ito sa ibabaw ng stage at hinapit ang beywang para paupuin sa kandungan niya. Naghiyawan ang mga audience at may iba pang sumisigaw na hubaran siya ng babae.   Napakagat ng labia ng babae nang itapat niya ang sentro nito sa maumbok niyang harapan. Kinindatan niya ito at siya ginalaw ang katawan nito. Kahit malakas ang tugtog at hiyawan ng mga tao ay narinig niya pa rin ang ungol nito. Napangisi siya at iglap lang ay nagpalit sila ng puwesto, pinaupo niya ito sa upuan at kinuha ang dalawang kamay nito at ipinulupot sa leeg niya habang sinasayawan ito ng lap dance.   Itinaas niya ang dalawang hita nito at ini-lock sa kanyang balikat, tinitigan niya ito sa mga mata at kitang-kita niya ang matinding pagnanasa ng mga iyon. Inilapit niya ang kanyang labi sa gilid ng labi nito at dinampian ng halik, pagkuwan ay pasimple niyang inilagay ang isang locator sa likod ng damit nito. Nang matapos ay kinindatan niya ito at hinalikan sa labi, pagkatapos ay walang kahirap-hirap na binuhat ang babae.   “Rip it! Rip it, b***h!” sigaw ng mga baklang hayok makakita ng matipunong pangangatawan ng katulad niyang walang itulak-kabigin sa kaguwapuhan.   “You’re overdoing it, Dionysus.” Narinig niyang wika ng isang baritonong boses sa kanyang tenga.   Sumilay ang ngisi sa kanyang labi. So what? I’m enjoying this.   Sinunod ng babae ang sigawan ng mga audience at pinunit ang suot niyang manipis na damit.   Lalong lumakas ang tilian ng lahat lalo na nang bumalndra ang mamasel niyang katawan at ang matitigas niyang abs.   “Thank you, babe.” Nang-aakit niyang turan sa babae at ibinalik ito sa dati nitong puwesto.   “What’s your name?” tanong nito na tila nalasing sa halik na ibinigay niya rito.   Ngumisi siya. “It’s Dionysus, the God of Pleasure.” Kinindatan niya ito at ibinuhos sa katawan niya ang iniinom nitong alak. “Oopps!”   Napakagat ng labia ng babae habang nakatingin sa matipuno niyang katawan pababa sa maumbok niyang harapan na medyo nabasa na dahil sa ibinuhos niyang alak.   “Your mission is done, Dionysus. Meet me here at the HQ, you have a new mission to attend to.” Narinig niyang wika naman ni Aphrodite.   Ipinilig niya ang kanyang ulo at ininom ang natitirang alak sa baso at walang pakundang hinalikan anag babae. “Too bad, hanggang dito na lang kita mapapasaya,” bulong niya sa babae at kinagat ng pino ang punong tenga nito.   Pagkatapos ay humarap siya sa mga audience, nag-bow at nag-flying kiss bago tuluyang bumalik sa stage at pumuntang backstage.   “You’re up,” aniya sa kasunod niyang magpapasaya sa mga audience.   Tumango lang ito sa kanya at pagkatapos nitong makipag-fist bump sa kanya ay umakyat na ito sa stage.   Siya naman ay tuloy-tuloy na sa secret passage na para lamang sa kanilang mga agents. Sa loob ng elevator na siya nagbihis at tila walang pakialam kung maabutan man siyang nagbibihis ng kapwa agents o ni Aphrodite o ng dalawa pang Officials ng Queen’s Men Lair.   Simula nang makapasok siya sa organisasyon ay lumabas ang pagiging mapaglaro niya at pilyo, minsan ay binibiro niya si Aphrodite ngunit katulad ng dalawa pang alagad ni Hera ay laging malamig na tingin ang sukli sa kanya. Mukhang hindi talaga tinatablan ang mga ito ng paglalandi ng kahit na sinong anak ni Adan.   Naisuot na niya ang kupasiing pantalon niya nang bumukas ang elevator, isinabit niya na lang sa balikat ang kulay itim niyang t-shirt habang tinatahak ang daan papunta sa HQ. Nang makarating ay kumatok siya ng tatlong beses at nang marinig ang boses ni Aphrodite ay agad siyang pumasok.   Nadatnan niya ang tatlong tinaguriang Goddess ng QML, bawat isa sa kanila ay may kanya-kanyang kakayahan na kahit silang mga lalaki ay walang magawa kundi ang sumurrender at pangilagan ang mga ito.   “Whoops! I smell the bourbon on your perfect body,” ani Aphrodite na kinagat pa ang sariling bibig, para ipakitang nakuha niya ang atensyon nito.   Kinindatan niya ito. “Want to taste it?” Nakangisi niyang biro dito.   “You want to die?” Puno ng pang-aakit na turan naman ni Aphrodite.   Itinaas niya ang kanyang mga kamay bilang pagsuko. “My life is precious and I can’t die, yet.”   “Good, now let’s be serious, okay, hun?” malambing na wika nito..   Tumango siya at umupo sa iminuwestrang upuan ni Artemis.   Inilapag ni Athena ang isang file at nang buksan niya iyon ay tumabad sa kanya ang magandang mukha ng isang babae.   “She is Jenna Pierce, and she will be your next mission. You’re hired as her personal bodyguard and you need to protect her at all cost.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD