FOUR: The Bodyguard

1688 Words
FOUR: The Bodyguard Dahan-dahang iminulat ni Jenna ang kanyang mga mata nang maramdaman niyang tila may nakatingin sa kanya. Isang guwapong mukha ang namulatan niya, nakangiti ito sa kanya at kitang-kita niya ang kakaibang kislap sa mga mata nito habang bumababa ang tingin nito sa mga labi niya. Para siyang natuyuan ng laway habang nakatitig ito sa kanya, maging ang t***k ng kanyang puso ay tila naging abnormal dahil sa lalaking nasa harap niya. Nanaginip lang ba siya? Imposibleng magkaroon ng ganito kaguwapo sa harap niya pagkaging na pagkagising niya. Pero . . . that thing . . . that hard thing over her body . . . it was fcking real! Unti-unting nanlaki ang mga mata niya nang mapagtanto na hindi siya nanaginip. Napatili siya ng malakas at itinulak ang lalaking nasa ibabaw niya. “Ahh!” sigaw niya sabay hablot sa comforter at ibinalot iyon sa katawan niya. Ramdam niya ang pamumula ng mukha niya kaya tuluyan siyang nagtalukbong. “Jenna, are you okay, dear?” Narinig niya ang pagbukas ng pinto at ang nagmamadaling mga yabag na palapit sa kanya. It was her Manager. “What’s happening here?” “Nagulat po yata si Miss Pierce nang makita ako,” dinig niyang sagot ng isang baritonong boses. Napasimangot siya at mabilis na inalis ang pagkakatalukbong niya at masama ang tingin na dinuro niya ang lalaki. “You!” tila naman naumid ang kanyang dila nang makita ang nakangiti nitong mukha. Kahit sinong babae ay talagang mababato-balani sa angkin nitong kakisigan at kaguwapuhan. “Who’s he?” tanong niya habang nakatingin pa rin sa lalaki. “His codename is Dionysus, that’s what he says we can call him. Siya ang bago mong personal bodyguard. He’ll guard you, kahit saan ka pumunta,” paliwanag ng kanyang Manager. “Bakit nasa loob siya ng kuwarto ko ng g-ganito kaaga?” tanong niya at muling naalala ang senaryo kanina pagkamulat niya ng mga mata. “I told him to inspect everything dahil baka may nakapuslit pang ibang hidden camera sa buong kuwarto mo,” paliwanag ng kanyang Manager. “I’m sorry to startle you, Miss Pierce, but I’m at your top to look at the big portrait above you,” nakangiting sabi naman ni Dionysus. “On top of her?” nakataas ang kilay na tanong ng kanyang Manager at tumingin sa kanya. Napatikhim siya at nagkunwaring tumingin sa malaking portrait na nakasabit sa uluhan ng kama niya. “May problema sa portrait?” kunwa’y tanong niya. “Mm, Look at the lens of the blue eye. There is a hidden camera inside of it, and I bet they know they’re busted right now. I need to get it to inspect if it also has an audio recorder,” sabi ni Dionysus at sinenyasan siyang umalis sa ibabaw ng kama. Kahit natitilihan at natatakot ay dahan-dahan siyang bumaba ng kama, mabilis naman siyang inalalayan ng kanyang Manager. Iniisip niya kung paanong nagkaroon ng hidden camera ang portarait na iyon gayong siya mismo ang bumili niyon at nagdala sa bahay niya. Napatingin siya sa buong paligid at dahil sa nalaman ay hindi niya napigilang matakot at iyong pakiramdam na may nakatingin sa kanya ng mga oras na iyon ay nagdulot sa kanya upang mamutla at manginig. “Here, uminom ka muna ng tubig,” alok sa kanya ng kanyang manager at inabot ang basong may lamang tubig. “You’re not safe here, anymore, Jenna.” Huminga siya ng malalim at hindi umimik, natuon ang pansin niya kay Dionysus na sinira ang likod ng portrait at may nakuha nga itong maliit na gadget. Kaagad naman nito iyong pinatay at pinagmasdang mabuti bago tumingin sa kanila. “As I thought, it was the same with the two more I found in your bathroom and closet room. It was a full HD resolution and a motion detector camera, ibig sabihin, nakikita at naririnig ang galaw mo ng malinaw. At dahil nga sa maliit lang ito ay talagang hindi ito mapapansin agad,” paliwanag ni Dionysus at inilabas pa ang dalawang magakaparehong spy camera mula sa bulsa ng jacket nito. Napasinghap siya sa nalaman at mabuti na lamang at nakaupo na siya dahil kung hindi ay baka natumba na siya sa sobrang panlalambot. She’s been watched all this time 24/7! Maging sa banyo at sa kanyang closet ay may camera, ibig sabihin lang niyon . . . Oh my God! “Hindi ba made-detect kung saan galing ang mga spy camera?” tanong ng kanyang Manager na katulad niya ay nagimbal din sa nalaman. Tumango si Dionysus at pinagmasdan ang isang spy camera. “Mm, but this spy cameras don’t have any serial numbers on it. Ibig sabihin lang ay maingat ang taong nagkabit ng mga ito sa kuwartong ito.” “B-But how did it happen?” tanong niya. “Ako mismo ang bumili ng portrait na iyan at mahigpit ang security sa subdivision na ito,” usal niya. “Honey, if someone wants something, they’ll difinitely find a way to get them,” nakangiting sabi sa kanya ni Dionysus. Hindi siya nakaimik at literal ang kabang nararamdaman niya at kung anu-anong imahe ang pumapasok sa isipan niya lalo na nang maalala niya ang mga oras na naliligo siya at nagbibihis. “W-What should we do then?” tanong ng kanyang Manager. “Kagabi ay may nakita rin akong isang spy camera.” “If you’ll listen to my suggestion, mas magandang lumipat na kayo ng titirahan and don’t let anyone know about the place. May hinala akong kung sinuman ang nasa likod ng paglalagay ng mga spy cameras sa bahay na ito ay nasa paligid niyo lang,” sabi ni Dionysus. “I know it. Hindi talaga ako nagkakamali ng kutob,” sabi ng kanyang Manager. “I’m sure it was your personal assistant!” “Huh?” kunot-noong turan niya at tumingin sa kanyang manager. “Mamsh, hindi tayo dapat nanghuhusga ng tao, paano kung wala siyang kinalaman dito?” “Paano kung tama ako?” sabi naman nito. “Simula nang magtrabaho siya sa’yo ay nag-umpisa nang magpadala ng kahit na ano’ng mamahaling bagay ang secret admirer mo. Alam kong napapansin mo iyon.” Hindi siya umimik, may punto naman ang kanyang manager pero ayaw din naman niyang husgahan si Lilith dahil sa loob ng mahabang panahon na kasa-kasama niya ito ay wala siyang naramdamang kahit na anong mali sa mga ikinikilos nito. Umiling siya. “Hindi pa rin tamang agad natin siyang husgahan.” “You’re right,” pagsang-ayon nito sa kanya. “Kailangang mahuli siya sa akto para diretso kulungan siya!” “Yes, that’s right,” sabi naman ni Dionysus na prenteng umupo sa dulo ng kama niya. “Maaring sa mga oras na ito ay alam na nilang tiklo na sila at hindi ko pa rin natse-check ang buong kabahayan kung meron pang nakatanim na spy cameras sa ibang bahagi ng bahay kaya kung nagbabalak kayong maglipat ng bahay ay huwag niyong banggitin iyon kapag lumabas kayo sa kuwartong ito.” “I’ll call someone to look for a—” “I’ll do it,” presenta ni Dionysus. “As her personal bodyguard mas makabubuting simula ngayon ay ako na ang humawak sa mga ganitong bagay, para masigurado ang kaligatsan niya.” Nagkatinginan sila ng kanyang Manager at sabay na napatingin kay Dionysus na nakangiti naman sa kanilang dalawa. “O-Okay, I’ll leave that to you,” sabi ng kanyang Manager. “Good, please excuse me for a while,” magalang na sabi nito at lumayo sa kanila, nakita nila na kinuha nito ang phone nito at may idinayal, mayamaya lang ay abala na ito sa kausap nito sa phone. “Mamsh, tell me, where did you get him?” tanong niya habang hindi inaalis ang tingin sa guwapong personal bodyguard niya. “It was a secret organization, and someone told me about it. I have no idea that he hot and—” “Mamsh,” putol niya sa sinasabi nito at sinulyapan ito. “What? Totoo naman ang sinabi ko and he’s also a relieable one. It’s just a few hours since he hired, but he saved you already. I wonder if he’s still single.” Her mouth twitch while looking at her manager helplessly. Kanina lang ay gimbal ito sa nalaman pero ngayon ay parang nakalimutan na nito iyon at tila nahumaling na sa kakisigan ng binata. Sabagay, hindi niya ito masisi dahil totoo namang guwapo at matikas ang lalaki, puwede itong maging modelo dahil sa ganda ng pangangatawan nito, even his abdominal muscles are firm. Ipinilig niya ang kanyang ulo at awtomatikong napakagat ng labi, nang ma-realize naman niya ang ginawa niya ay natigilan siya at nanlalaki ang mga matang nag-iwas ng tingin. What the hell was I’m thinking! “It’s done, I already book a condo from Galamour Hotel. Hindi naman siguro iyon kalabisan sa inyo, right?” nakangiting tanong nito sa kanila. “G-Glamour Hotel?” nanlalaki ang mga matang turan niya. That was one of the best Five Star Hotels here in the Philippines! Usap-usapan na pili lang ang mga taong kayang tumira at magpunta sa ganoong ka-prestihiyusong hotel. How the hell did he manage to get one? “Yes. I talked to one of my bosses about making the arrangements. After I reported what I found here, they contacted their resources and we got one,” nakangiting paliwanag niya sa mga ito. Tumango naman ang kanyang manager nang makabawi sa pagkagulat. “Thank you. That’s the best place for you, Jenna. Mahigpit ang security sa hotel na iyon at hindi basta-basta nagpapapasok sa kung sinuman, unless they have the signal from their clients.” Tumango din siya at sinulyapan si Dionysus. Hindi maalis ang pagdududa sa kanyang isipan at ang malaking tanong kung paano nito nagawa iyon. Kahit pa sabihing kinausap nito ang mga amo nito ay alam niyang hindi iyon ganoon kadali, lalo pa at ura-urada silang nagkaroon ng condo doon sa loob lang ng ilang minuto. Gayunpaman ay sinarili na lang niya iyon at nagpasalamat sa lalaki, malaking bagay ang nagawa nito ngayon sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD