Tumayo si Juliana at tinanong ang lalaki. "Sino ka at ano ang kailangan mo sa akin?" Napatingin ang lalaki kay Marco na wala nang lakas gawa ng pambubugbog ni Juliana sa kanya. "Ang pangalan ko ay Dion! Hindi ko kilala ang lalaki na 'yan pero isang bagay lang ang nasisigurado ko sayo!" Titig na titig ni Juliana sa mga mata ni Dion at sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, nakakaramdam siya ng kabog sa kanyang dibdib. "At ano 'yun?" Hinawi ni Dion ang buhok ni Juliana sa kanyang tenga at tsaka ito ngumiti. "Kailangan niyang mamatay! Barilin mo na siya bago pa mahuli ang lahat!" Napaatras naman kaagad si Marco sa kanyang mga narinig mula kay Dion at nawala ang tapang nito sa kanyang sarili. "Please, wag mo akong patayin! Mahal ko pa ang buhay ko, sir!" Hindi naman siya pinansin ni D

