"Siguraduhin mong maganda yan boss, dahil kapag hindi baka matulog yan sa labas ng di oras!" "Ako pa ba?" Nang makarating sila sa sasakyan ni Dion, kaagad niyang binuksan ang front door at nanlaki ang mga mata ni Robert nang makita niya ang babaeng nakasakay. "Putang ina!" Lumingon si Dion kay Robert. "Oh ano? Diba sabi ko sayo chicks to?" Sa ngayon, nag alala si Robert sa naging lagay ni Juliana ngunit hindi pwedeng malaman ni Dion ang tungkol rito. Gamit ang kanyang pekeng ngiti, nagsinungaling si Robert sa kanyang boss. "Oo nga boss, mabuti naman at marunong kang mamili ng babae! Dalhin na natin 'yan sa loob at baka may makakita pa sa atin!" "Kita mo na? Dapat pala nag send ako ng picture sayo kanina. Alam mo bang awang awa ako sa babae na to dahil tinututukan siya ng baril n

