"HOY ROBERT! ILABAS MO ANG APO KO, ANG KAPAL KAPAL NG MUKHA MO! KAPAG HINDI MO BINUKSAN ANG PINTUAN, SUSUNUGIN KO ITONG MADUMI MONG BAHAY. BIBILANG AKO NG TATLO, KAPAG HINDI KA LUMABAS MATA MO LANG ANG WALANG LATAY!" Dali daling tinapik ni Robert si Juliana upang gisingin sa mahimbing nitong pagkakatulog. "Juliana, please gumising ka! Hinahanap ka na sa akin ng lola mo. Kapag hindi ka nagising at nahuli niya tayo, tiyak na malilintikan tayong dalawa!" Tila ay mantika kung matulog si Juliana na mahimbing pa rin ang pagkakatulog. Wala nang iba pang nagawa si Robert kung di ang magtungo sa pinto at pakalmahin ang nambubulahay na matanda. Pagbukas na pagbukas ni Robert ng kanyang pintuan, nakita niya ang dalang itak ni Lily sa kanyang kamay. "Lola, wala po akong baboy rito na pwede nin

