Nagpumilit magmakaawa si Juliana sa kanyang lola subalit nagmatigas ito. Mabigat niyang iniyapak ang kanyang mga paa patungo sa pinto sa labas at malakas na isinara ni Lily ang pinto. Nagsimulang maglakad si Juliana dahil tumila na ang ulan at sumikat na ang araw. Kagaya ng mga nakagawian niya kapag siya ay malungkot, nagtungo siya sa tabing ilog at mag isang nagmuni muni. Malungkot ang araw na ito para kay Juliana. Bagamat mayroon din itong kalayuan sa bahay ni Juliana, hindi naman niya ininda ang pagod para lamang makapag isa. Muli na naman siyang ginambala ng mga alaala ng kahapon, ang pinakamasakit na trahedya na gumimbal sa kanyang buhay- ang pagpaslang sa kanyang amo na si Congressman Raul na tinuring siyang parang totoong anak. Naputol naman ang kanyang pag iisip ng malalim nan

