"Grabe ka naman mare! Bakit bawal na ba akong magpunta sa tahanan ng kaibigan ko?" Nakahinga ng maluwang si Juliana dahil sa boses pa lang, alam na niyang si Aling Marta ang kausap ng kanyang lola Lily. Nagpakita siya dahil alam niyang nagtungo lang naman ito sa kanilang bahay upang magdala ng tsismis. "Magandang araw po Aling Marta!" nakangiting pagbati ni Juliana. "Hello Juliana! Maganda pa talaga ako sa araw... Anyway, nasaan nga pala ang jowabells mo kahapon?" Nakakunot noong tanong ni Marta kay Juliana. "Anong jowabells?" tanong ni Lily sa kumare niya. Hinawakan ni Marta ang braso ni Lily, "Ano ka ba? Hindi ka ba tinuturuan ng mga millennial terms ng apo mo? Ang ibig sabihin noon ay boyfriend. Bumili yang apo mo sa akin ng pang pakbet kasama ng syota nya. Mukha ngang inosente

