Sa kabilang banda naman, biglang kumidlat ng malakas dahilan para magising si Juliana sa mahimbing na pagkakatulog. Nanlaki naman ang mga mata niya sa pagkagulat nang wala si Robert sa kanyang tabi. Hinanap niya ito sa bahay habang nagsasalita. "Robert? Nasaan ka? Nandito ka ba?" Hinalughog ni Juliana ang buong bahay ni Robert subalit bigo siyang makita kahit anino nito. Paglabas niya naman ay umaga na ngunit wala pa ring tila ang ulan. Nilock niya ang pintuan ng bahay ni Robert at naglakad patungo sa kanyang tahanan. Sa ngayon ay wala siyang pakialam kung siya ay mabasa. Dahan dahan siyang pumasok sa loob ng kanilang tahanan. Walang nagbago sa hitsura ng kanyang bahay simula noong siya ay umalis. Bigla namang lumabas ang kanyang lola Lily na halatang kagigising lamang. Kaagad niya i

