Nakangiting nagising ako ewan ko ba pakiramdam ko ang gaan gaan ng loob ko para bang nabunutan ako ng isang malaking tinik na bumara sa puso ko. At gustong gusto ko yon, I love the feeling of being free malaya sa sakit, galit at takot. Bumalikwas ako ng bangon at inilibot ko ang mga mata ko sa buong kwartong kinalalagyan ko hanggang sa napatingin ako sa bintana and there I saw how light cross between the curtains at doon ko napagtanto na may isa na namang panibagong araw pero ngayon parang mas naging matapang akong harapin ang mga bagay na makakaharap ko sa bagong araw na to dahil parang binigyan ako ng lakas ng ginawa kong pagpapatawad sa aking pamilya. At ngayon ko lang din naisip na hindi ang paghihiganti ang magpapalaya sa'kin kundi ang pagpapatawad. And I am happy na n

