Nanatili lamang akong gising at binabantayan ang aking kapatid hindi ko rin kasi magawamg makatulog dahil baka kasi ano mang oras ay magising ito kaya kailangan parati akong handa. Napabuntong-hininga ako at napatingin ako sa kisame thinking about the events na nangyari ngayong araw. Pero sa aking pananahimik ay bigla ko na lang narinig ang isang ingay o isang mahinang ungol na nagmumula sa aking kapatid kaya agad ko itong nilapitan. Doon ko nakita na pabaling baling ang ulo nito at nakakunot ang noo habang nakapikit saka parang pawis na pawis rin ito. "H-Hinde h-huwag." Nanlaki ang aking mga mata nang dumaing ito at tila nasasaktan s**t what is happening? Wala naman ata itong nararamdam na masakit 'di ba? Kaya I'm sure that she's having a bad dream at mukhang nasasaktan ito sa kaniyan

