CHAPTER 5

1534 Words
Nagpatuloy ang paglipas ng mga araw, heto si Berlyn at hindi na naman mapigil ang sariling maghintay sa lalaking hindi nakikilalang boss pala niya. "Lokong lalaki hindi na naman nagpakita, tapos bigla na namang sumusulpot." Naisaloob nito. Naging gawi na naman nito na ilibot ang mga mata 'pag nasa canteen at maghintay ng kulay abong SUV upang magbakasakali, ngunit bigo siya. "E ano ba kung hindi ko na siya makita, o hindi ko na makita pa kahit kalian." Naisaisip niya "Pero bakit maisip ko plang ang ganung bagay ay nadidismaya at nalulungkot na ako? Ito ba ang tinatawag na pag-ibig? Kung ganon nga, sa wakas ay natuto na akong umibig at ang nakakainis, mukhang sa maling lalaki pa!" Humutok sa sarili, "Hindi! Hindi dapat ako umibig sa isang misteryosong lalaki." Pinilit niyang libangin ang sarili sa trabaho, naging dahilan ito upang mapuna ng kanyang supervisor ang kasipagan niya at efficient sa trabaho. Oo nakatutulong ang ginawa niyang subsob sa trabaho subalit 'pag mag-isa ito ay lalo lamang nag-uumigting ang kasabikang makitang muli si Robert lalo 'pag mag-isa na lamang siya. "Kung may gusto rin siya sa akin, hindi niya matitiis na hindi ako makita ng ganoon katagal." Sintimyento ng dalaga. Ikinagulat niya ang biglang pagtunog ng cellphone niya mula sa isang unknown number. Nasa bahay siya ng mga sandaling iyon at nakaupo sa isang pangisahang sofa sa kanyang sala. "Hello..." Alanganing sagot niya, kinakabahan siya baka nalaman na nang mga magulang niya ang kanyang contact number. "Hi...." Boses ng isang lalaki mula sa kabilang linya. "Who's this?" "Robert." "Ro----bert?" Nakaramdam siya ng malakas na kabog ng kanyang dibdib. "Yup, surprise?" Nang mga sandaling iyon, labis ang kasiyahang humalili sa kanyang mukha, buti nalamang at hindi siya nakikita ng kausap. "Lagi ka namang nagpaparamdam sa alanganin hindi ba?" "Na miss mo ba ako?" "Presko ka ah!" "Hindi ba? Akala ko pa naman namiss mo ako." "Baka ikaw." "Oo naman, na miss kita, sobra." Parang umawit ang puso niya sa sinabing iyon ni Robert. "Hindi ako naniniwala." "Bakit naman?" "Kung namimiss mo ako bakit ngayon kalang nagparamdam ulit?" "Busy kasi pasensya na." Ang totoo ay pilit niya na sanang iniiwasan ang magkaroon ng komunikasyon kay Berlyn pero, sa ilang araw na hindi niya ito makita at makausap ay lalo lamang nagpapamiss sa kanya ng husto. "Paano mo ba nalaman ang number ko?" "It's a magic." "Corny" "O sige, I will ask my fingers kung bakit nila nalaman ang number mo kasi sila ang nag-dial." "Corny parin." "O sige na nga, buksan mo na ang pinto at andito ako sa labas." Halos napatakbong nagtungo sa pintuan ang dalaga at walang alinlangang binuksan ang pinto. "May dala akong masarap na tinapay bagay sa masarap mong kape." Nakangiting wika ni Robert. "Come in, I'll prepare a coffee for both of us." Sa kusina sila dumeretso at doon nagsalo ng kape at tinapay. "Saan ka nga ba galing? Isa pa, bakit hindi kita nakikita sa company? Kahit man lang sa canteen?" Naitanong ni Berlyn habang humihigop ng mainit na kape. "Yan bang tanong na iyan ang ibig sabihin ay gusto mong malaman kung sino at ano ako? Hindi ko rin alam kung sino at ano ka." Dipensa ni Robert. Tama si Robert, pareho nilang hindi kilala ng lubusan ang bawat isa ang alam lamang nila ay magaan ang loob sa isa't isa. "Pero hindi ba karapatan ng isang tao ang makilala ang kanyang mga kaibigan?" Nag-aalangang hirit niya. "It's none of my business, ang sa akin ay basta gusto ko ang isang tao I don't care kung sino at ano siya, hindi ko na kailangang alamin ang bawat detalye sa buhay niya. Because I am pure of heart doing friendship, if part of her personality or her past will be a hindrance for why needed to avoid a person, I prefer to neglect of knowing the whole of her." "You mean...." "......It's enough that I know your name and where to visit you, in case na gusto kong dalawin ka. Ganoon ako makipagkaibigan." Paraan lamang niya ito upang huwag mag-usisa pa si Berlyn tungkol sa kanya natatakot kasi siyang dito magwakas ang kanilang samahan. "May dapat ba akong malaman tungkol sa iyo?" Nag-aalinlangang tanong ni Berlyn. "Meron, marami, tulad ng mga bagay na dapat ko ring malaman buhat sa iyo, gaya ng baka may magagalit sa akin 'pag bumibisita ako sa iyo dito at niyayaya kitang kumain sa labas. But I assure you hindi mo ako mariringgan ng kahit anong tanong especially in your lovelife or personal life." "Gusto mo bang magkwento ako?" "Like what I said, kung ikakaapekto ng samahan natin hindi ko gugustuhing marinig." "Ayaw mo sa katutuhanan?" "Sometimes it is better to be innocent just to be happy." "But I still want to believe that the truth will set you free." Insist ni Berlyn. "Ang hindi mo alam ay hindi makasasakit sa iyo." Nakangiting sansala ni Robert. Nagkibit-balikat ang dalaga, may point naman si Robert. Sabagay, mas magandang walang makaalam ng kanyang tunay na pinagmulan upang hindi malaman ng kanyang mga magulang kung nasaan siya, alam niyang maraming connections at kakilala ang mga ito at madali sa kanila ang matunton siya. "Would you mind if I invite you to a disco?" Alok ng binata na biglang ikinaputol ng kanyang iniisip. "When?" "Now." "Now? Sigurado ka?" Ngumiti si Robert matapos tumango. "Okay, sige." Kung yun lang ang paraan upang magtagal pa silang magkasama ay wala siyang dahilan upang tumanggi. Pagdating sa disco house, agad nagyayang sumayaw si Robert matapos silang umorder ng refreshment. Isang rugged song ang maingay na pumapailanlang sa buong sulok ng disco house. Simpleng magsayaw si Berlyn, hindi katulad ng ibang mga nagsasayaw doon na napakagaslaw mapa babae o lalaki man. At tulad niya, ganon din si Robert subalit kakikitaan ng husay. "Siguro kung mga barkada niya ang kasama sa dance floor tiyak na magaslaw din siyang sumayaw." Naisaloob ni Berlyn habang lihim na inoobserbahan ang bawat galaw ng kasayaw. Matapos ang isang nakaiindak na sayaw ay pumailanlang ang isang matamis na awitin at isa-isang nagsipag-upo ang ilang grupo na nasa dance floor at ang ilang magkakapareha ay nagpaiwan upang patuloy na magsayaw, isa sila ni Robert sa mga naiwan. Hinapit siya ni Robert sa baywang at bahagyang inilapit sa kanya. Masuyo silang nagsayaw. Sa pagkakataong ito labis na kaligayahan ang nadarama ni Berlyn, kung kanina ay umaawit lamang ang kanyang puso ngayon ay pakiramdam niya ito'y nagsasayaw. Muli ay nangarap ang kanyang puso, ito na ata ang pinakamaligayang araw sa buhay niya, pakiramdam niya tuloy ngayon ay isa siyang teenager kahit na nasa edad biente tres na siya. Kung maaari lang sana na wala na itong katapusan. "Are you enjoying the night?" Pabulong na tanong ni Robert sa kanya na ang bibig ay nasa punong tenga niya, kaya ramdam niya ang init ng hininga ng binata. Humilig siya sa balikat nito. Wala sa loob ang ginawa. Lalo pa siyang kinabig ni Robert papalapit sa kanya. "I want to enjoy the night with you." Bulong ulit ni Robert. "Same with me." Bulong din niya. Kahit pa maingay ang musikang pumapailanlang sa buong paligid ay sapat na ang bulungan nila upang maintindihan ang bawat isa. Isama pa ang mga damdaming tila mas nagkakaisa kahit pa walang formal na usapan. Paglabas nila sa disco house ay tumuloy na silang muli sa apartment ni Berlyn. Nagkakuwentuhan habang nagkakape sa dining area. "Talagang masarap ang kape mo, ano bang sikreto mo?" Biro ni Robert. "Kaya nga sikreto dahil akin lang yon." Nagtawanan pa sila. "Okey bang mag-isa sa bahay?" Tanong ni Robert. "Okey na rin walang inaalalang maghihintay. Plus, you can do what you want." "Ganoon ka simple ang buhay mo?" "Ano sa palagay mo?" "I think I like your style, and I will enjoy your company." "Well, I hope so." "Are you enjoying your work?" Pag-iibang usapan ni Robert. "Of course, bakit mo naitanong?" "Wala naman, nabalitaan ko lang na pinupuri ka ng mga tao sa personnel department, lalo si Mr. Perez." "Bakit? Ano ang sabi?" "Masipag ka raw at loyal sa trabaho." "So do you think I deserve a promotion?" Biro ng dalaga. "Of course, actually yun nga ang isa- suggest ko sa HRD." "Ganoon ka kalakas ah. Actually, I am just doing my part para naman hindi maargabiyado ang kumpanya diba." "You're really an asset." "Thank you at siguro kung maririnig lang ako ni Mr. Gutierez sasabitan ako ng medalya." Biro nito sa hindi nakikilalang kaharap. "Ipaparating ko yan kay Mr. Gutierez." Biro din ni Robert. "Naku ikaw ah, baka sabihin sino ba ang baguhang yan at gustong magsip-sip kaagad sa management." Sakay na biro ni Berlyn. "Everybody deserves a promotion if he really works hard for the benefit of the company." "Oo naman." Saka pa tumango-tango si Berlyn. At marami pa silang mga bagay na napagkuwentuhan subalit hindi ang personal nilang buhay. Ngunit tulad ng dapat asahan, darating at darating din ang oras upang magpaalam si Robert sa kanya. Malalim na ang gabi ng umalis si Robert. Ayaw pa sanang matapos ni Berlyn ang pagkakataon dahil hindi niya tiyak kung kailan ang kasunod niyon. Ngunit ayaw niyang ubligahin si Robert at ayaw niyang tanungin ng iba pang detalye. At higit sa lahat, ayaw niyang mag-assume.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD