"So, what about her? Yung as you described her, 5'3 ang height, white complexion, wavy ang lagpas balikat na buhok, sexy, matangos ang ilong, maganda ang mga mata, maliit at maamo ang mukha. In short, she's terrifically gorgeous and beautiful. Yung naikwento mo sa aking nakabanggaan mo sa company mo na hindi ka kilala." Usisa ni Joseph, kaibigan ni Robert.
"I am seeing her occasionally." Sagot naman ni Robert matapos inumin ang isang basong may lamang hard drink.
"Bro, baka naman you're waisting time with her, alam mo namang engaged to be married kana." Paalala ng kaibigan.
Muling tumungga ng drink si Robert. "I don't know bro, It's just, I'm comfortable when I'm with her."
"So what is that means?"
"Wala naman akong balak nung una na seryosohin siya, it is just happened that I can't help myself to approach her when I saw her in the street after our encountered in the morning. And since then, I can't take her out of my mind."
"Wow, ikaw ba iyan bro? Sumiseryoso kana ata ngayon!" biro ng kaibigan saka pa siya tinapik sa balikat. "I remembered, huli kang naging seryoso nung kayo ng Ex mo, during our college days, from then on hindi mo na pinansin pa ang mga nagkakagusto sa iyo. Anong nangyari? Nadala kaba sa beauty niya?" Tuya sa kanya ni Joseph.
"Hindi naman bro, Iniiwasan ko ring masyadong mai-nvolve, isa pa, she's an employee of the company and with that, I don't want to create conflict between both of us in the future."
"Iyon na nga, in your case, maraming dahilan upang tigilan mo iyan at iwasan mo na."
Bumuntong hininga si Robert sabay muling tinungga ang sinalinang baso.
"Bro, ito payong kaibigan lang, okay lang kung flinging lang iyan, normal lang sa atin iyan pero ang sumiryoso, aba iba na iyan, buti sana kung hindi kapa naka-compromised."
Tinapunan niya ng tingin ang kaibigan. Naghintay naman si Joseph ng kanyang sasabihin. Subalit, muling iginawi ni Robert ang tingin sa hawak na baso at tila nag-iisip, maya-maya ay muling tumungga ng laman nito. Napapailing nalamang na tinungga din ni Joseph ang kanyang basong may laman ding alak.
"Think about it bro." Bilin ni Joseph sa kanya pagka-ubos ng laman ng kanyang baso.
**********
"Berlyn nakita mo?" Humihingal na habol ni Flor kay Berlyn ng hapong iyon.
"Sino?"
"Yong sinasabi nilang fiancee ni Mr. Gutierez, si Miss Blessy."
"Hindi." Kaswal na sagot.
"Nagkasalubong kayo kanina sa elevator."
"Hay naku Flor marami akong nasalubong kanina sa elevator tsaka it's none of my business kung sino man ang babaeng iyon." Kunot noong sagot.
"Sabihin mo hindi mo kasi crush si Sir, kaya ka ganyan."
"Don't worry Flor may nasagap akong balita tiyak na matutuwa ka." Biglang na ngiti si Berlyn ng maalala ang napagusapan nila ni Robert.
"Ano yon?" Interesadong tanong ni Flor.
"Katulad ng sabi mo ipinagkasundo nga lang sila ng kanyang fiancée."
"So ano naman ang ikatutuwa ko doon?"
"Kagustuhan lang ng parents nila kaya magpapakasal sila, the fact that, hindi naman talaga interesado si Mr. Gutierez sa kanyang magiging asawa."
"Talaga! May chance pa pala ako." Buong kilig na sabi nito.
"Teka, saan mo naman nalaman ang chikang iyan? Hindi naman kita nakikitang nakikipag-chikahan sa karamihan ah."
"Secret." Nakangiting sagot ni Berlyn.
"Sabihin mo na!"
"Secret nga."
"Naku hindi ako naniniwala sa iyo, baka pinapasakay mo lang ako upang lalo akong umasa."
"Bakit ko naman gagawin iyon sa iyo, hindi ba ako pa nga ang kumokontra sa kagagahan mo."
"Okay sige naniniwala na ako, pero sabihin mo kanino mo nalaman? Saang department? Kay Ms. Tricia ba na secretary ni Sir?"
"Hindi ah, minsan lang ako pumunta sa desk niya, at busy pa kaming nagdiscussed ng tungkol sa inabot kong financial statement sa kanya, paano naman niya maisisingit sa akin ang kwentong iyon, isa pa, ikaw ang ka-close nun diba."
"Aba malay ko baka kinakaribal mo na ako sa pagsagap ng news ah."
Tumawa si Berlyn sa tinuran ng kaibigan. "Bumalik kana nga sa mesa mo at magtrabaho kana."
"Naku, lalo akong magpapacharming kay Mr. Guwapo, para mapansin niya ako, at ipu-push ko pa lalo ang pagda-diet para sumeksi na ako." saka kumakantang bumalik sa kanyang mesa.
Kunot noong sinundan nalamang siya ng tinging ng naiiling na si Berlyn.