CHAPTER 3

1856 Words
Ewan niya kung hindi pa nakakahalata si Flor na sa tuwing may dadaang bus ay hindi siya mapilit sumakay. "Mamaya na marami pang sasakyang dadaan dyan at hindi pa puno." Pagdadahilan niya. Ang totoo, kinakabahan siya sa tuwing may makikitang kulay abong SUV na dadaan sa kanilang tapat. Umaasa siyang hihintuan ng binata. Subalit hanggang mahiya na siya kay Flor at hindi na nito matanggihan ang pagyaya nitong sumakay na sila sa paparating na aircon bus. "Bat ganito, 'bat gusto kong makita ulit siya?" Naguguluhang tanong sa sarili. Gabi na ay gising parin ang diwa nito, maraming tanong ang gumugulo sa kanyang isipan na nakatulugan na niya ng lumalim ang gabi. Kinabukasan masigla siyang pumasok kahit puyat parin. Naroon parin ang pag-asang makita at masalubong si Robert. Maging sa canteen nung breaktime nila ay walang tigil na iginagala ni Berlyn ang kayang paningin. "Alam mo ba, nakita ko kanina si Mr. Gutierez kausap ang Chairman ng company, medyo narinig kong nag-uusap sila regarding sa fiancee nya. So tama ang bali-balitang engaged to be married na nga siya. sayang naman." Pagbibida ni Flor. "Hindi mo ba talaga titigilan ang pag-aambisyon mo kay Mr. Gutierez? Ni batiin hindi nga niya ginawa sayo eh." Wala sa mood na sabi ni Berlyn. "Suplada naman nito, kinikuwento ko lang eh! Manong makiayon ka naman sa hinagpis ko." "Ganyan kaba ka grabe na magka-crush, buong araw mo ng bukang bibig ah." "Hindi lang, iniisip kopa." "Baliw." "Hmn, K J" (kill joy) Kabaliwan bang matatawag iyon? Eh hindi ba siya rin ay ganon kay Robert? Nasaan na nga ba si Robert? 'Bat hindi na ito nagpakita pa sa kanya? Sino ba talaga ang Robert na iyon? Limited lamang ang impormasyong nalalaman niya sa lalaki, maging ang apilyido nito ay hindi rin niya alam, kung saan ito nakatira at marami pang iba. "Huwag kang gaga Berlyn, h'wag mong isipin ang taong hindi ka naman iniisip." Pagalit niyang sabi sa sarili. "Robert is a mysterious dream. Infact nagkataon lang iyong pagkikita namin. Bakit ba ako umaasa pang magkaroon pa ng second chance." Dagdag pa sa isip niya. Simula nga noon ay pinag-aralan na niyang iwaksi sa isip ang lalaki. Pinapalis niya ang alaala kapag biglaang sumasaglit. Nag-iisip siya ng ibang bagay. Muling sumagi sa isip niya ang mga alaala sa Cebu. Nakadama siya ng matinding lungkot. Kamusta na nga ba ang mga iniwan niya sa Cebu? Ang kanyang mga magulang kaya ay nasa maayos na kalagayan? Paano kaya siya makakabalita sa kalagayan nila? Susuko nalang ba siya? Babalikan na lamang ba niya ang kanyang magandang buhay sa Cebu upang mapawi ang kalungkutan nya? Subalit iisipin pa lamang niyang ang magiging kapalit ay ang walang hanggang pagkakatali at kalungkutan sa piling ng lalaking hindi niya mahal, lalo siyang nakakadama ng labis na lungkot. Ilang buwan narin ang nakalipas ng umalis s'ya doon upang takasan ang anumang bigat ng problema. Hindi niya naiwasan ang maiyak ng maalala ang nakaraan. Kahit alam niya ang dahilan ng kanyang mga magulang sa disisyun nila, nagtatampo parin siya at nalulungkot dahil hindi nila kayang unawain ang kanyang damdamin. Kinabukasan, mugto ang mga mata niya dahil sa iyak ng nagdaang gabi. "May problema kaba Berlyn?" Nag-aalalang tanong ni Flor. "Wala, okay lang ako." "Eh bat namumugto ang mga mata mo?" "Yung palabas kasi kagabi sobrang na-touch ako kaya ganon." Dahilan nito saka pa pinasaya ang    boses. Makikisakay nalang siya sa mga kalokohan ni Flor upang hindi mapuna ang pananamlay niya ng araw na iyon. "Alam mo ba kanina, nakita ko na naman si Mr. Gutierez and you know what, binati ako." May kilig na kwento ni Flor ng nasa canteen na sila. "Ow?" "Yeah! Believe it or not" "Anong sabi?" Kunwa'y interesado siya sa pagbibida ng kaibigan. "Hindi ba raw tiga accounting department ako." "And then?" "Sabi ko yes sir., imagine narecognized niya ako." "Then what?" "Wala na, yun lang." "Yun lang?" "Pero kasi, parang ang basa ko sa kanya parang may gusto pang itanong or sabihin, kaso hindi na niya itinanong. Anyways, atleast binati ako and I have a feelings na heto na ang simula." Kinikilig nitong sabi. "Aysus......, nangarap na naman." Ipinaikot pa ni Berlyn ang mga mata. Tulad ng dati mauunang bumaba ng bus si Flor, ilang milya pa ang layo bago siya naman ang bababa. Pagkababa sa kanto ay lalakad pa s'ya ng kaunti upang marating ang kanyang tinutuluyan. Habang naglalakad, ang isip ay nasa Cebu. Muli ay napag-isa na naman siya at pinapatay na naman siya ng kalungkutan ng alalahanin sa Cebu. Hindi niya maaaring dayain ang sarili kung patuloy na aaliwin gayong ang totoo'y puno ng sama ng loob ang kanyang dibdib. "Lahat ng pagsubok friend kaya mong lutasin, hindi ka bibigyan ng diyos ng pagsubok na hindi mo makakayanan." alaala mula sa mga sinabi sa kanya ng matalik na kaibigan sa Cebu na si Lona. Si Lona ang tanging nakakaunawa sa kanyang nararamdaman at ito lang ang napagkukuwentuhan ng problema. Subalit makalipas ang isang buwan matapos silang Makagraduate sa kursong accountancy nagmigrate na ang kaibigan sa ibang bansa kasama ang buong pamilya nito, kaya pakiramdam niya noon ay wala na siyang karamay. Narating niyang hindi namamalayan ang pintuan ng kanyang tinutuluyan. Kinuha ang susi ng pinto at sinusian ito, wala sa isip ang kanyang ginagawa ng mga sandaling iyon, maging ang nakaparadang SUV na kulay abo na matagal rin niyang inasam ay hindi napansin. "Something wrong?" Tinig mula sa kanyang likuran. Biglang napalingon ang dalaga, noon ay nabuksan na niya ang pinto. "Napakaswerte naman ng lalaking iyon, pati ang pagsara mo ng gate ay nakalimutan mo na dahil sa kakaisip sa kanya." Komento pa ng boses sa kanyang likuran. "Ro - - - Robert" Hindi niya ito inaasahan. Bakit ba kung kailan ito hindi hinihintay saka dumating? Ah, siguro kakampi parin niya ang pagkakataon, binigyan siya ng makakausap para hindi na siya malungkot pa. "Ako nga, o 'bat parang natulala ka?" Nakangiting wika ni Robert. "Is it surprises you a lot?" dugtong pa ng lalaki. "Ha? Yes, - - - - yes, ginulat mo ako, this is unexpected." Nakangiti ang dalaga. Totoong ngiti hindi katulad ng maghapong ipinakita niya kay Flor. "Hindi mo ba ako pagkakapihin?" Biro ng lalaki nang nanatiling nakatayo lang sa may pintuan si Berlyn. "Sure - - - - sure, come in." Saka pa niluwagan ang bukas ng pinto. "Thanks." "Have a seat." wika ni Berlyn ng makapasok na sila. Saka siya nagtungo ng kusina at nagtimpla ng kape. "Bakit ba bigla kang hindi na nagpakita tapos heto ka ngayon biglaan ang pagsulpot mo?" Wala sa loob na naitanong iyon ng dalaga. "Did you miss me?" Pabulong na tanong ni Robert na hindi namalayang nasa likuran na pala niya at konting urong lang niya ay magkakadikit na ang kanilang katawan. "Ha?!" Nagulat na wika ni Berlyn kunwa'y inilapag ang kape sa mesa upang makaiwas. "Halika na heto na ang kape inumin mo habang mainit pa." Sa halip na sa sala sila naupo ay sa dining table sila nagawi. "I like this coffee as I like you." Seryosong wika ni Robert matapos humigop ng kape. "Marunong kang magtimpla ng gusto ko kaya nga instead sa coffee shop ako pupunta dito ko naisip na pumunta." Dugtong nito. Hindi kumibo ang dalaga, paulit-ulit na ninanamnam ang naunang tinuran ni Robert. "I like you" Hindi ba napaka-prangkang salita niyon? Ano ang ibig sabihin nito? Nagpaparamdam ba ito ng pag-big sa kanya? "Really nahuli mo ang panlasa ko." "So hindi ko alam coffee shop na pala itong bahay ko." Wika nito pero sa likod ng kanyang isip, ina-assest niya ang laman ng salita ni Robert pero hindi niya maiwasang bigyan ng ibang kulay ang mga binitawang salita ni Robert. "My private coffee shops." Sabay pa silang nagkatawanan. "Kumain kana ba? Kung hindi pa magluluto ako, ako man hindi pa kumakain." "Ganito ba ang lifestyle mo? Pagdating mo galing sa trabaho magluluto ka pa? How come hindi ka kumuha ng maid? "Can't afford." "Ow? Malaki ang sweldo ng isang accountant." "I can work for myself." Tumango-tango lamang si Robert. "Ano magluluto ako?" "No, don't bother yourself preparing dinner, why don't you just come and go out with me. How does it sound like?" "Funny." "Ow?" Nangunot ang noo ni Robert. "Do you think, I'll just go out with a man I don't even know who he really is? "Yeah, sounds funny and weird but how come you did it last time?" "Okay, you won." Nailing na sabi ng dalaga. Sa isang cozy restaurant sila humantong. At sa Cubao rin iyon. "I guess our friendship will be more exciting." Si Robert. "Give me a reason why?" "We don't even know each other well and here we are, komportable na tayo sa isa't-isa." "Then why don't you introduce yourself." "Kailangan pa ba yon?" "Oo para hindi ka isang malaking puzzle sa akin." Sa isip lang iyon nasabi ni Berlyn ayaw niyang magkaroon ng anumang dahilan si Robert na isiping nagkakainteres siya dito. "Hey natigilan ka." Puna ni Robert ng hindi siya sumagot. "Ang lalim ata ng iniisip mo." Dugtong pa. "Wala may naalala lang ako." "Kung sino man siya baka hindi ka niya inaalala." Biro nito. "Hindi, ang kaibigan ko lang na si Flor, kasamahan ko sa accounting department." Pagdadahilan nito. "What about her?" "K'wento kasi ng k'wento ang lokang iyon tungkol sa Company President." "At ano naman ang kinukwento niya?" "Gwapo raw." "Yon lang?" "Marami pa, tungkol sa planong pagpapakasal ni Mr. Gutierez sa kanyang fiancée." "Yon ang sabi?" "Oo, bakit mali ba ako ng pagkakaalam?" "Ang alam ko napipilitan lang siyang magpakasal." "Mas tsismoso pala ang isang ito kaysa kay Flor." Naisip ng dalaga. "Kung ganon talaga palang totoo ang sinasabi niya na doon din siya nagtatrabaho kasi alam ang update doon sa company." Muling naisaloob. "Bat nga ba napipilitan si Mr. Gutierez eh pwede naman niyang tangihan kung ayaw niya diba?" "Mga magulang niya ang may gusto at wala siyang magawa." "Sabagay, madalas naman ganun ang mga magulang, masyadong inaalala ang kinabukasan ng mga anak, kaya hindi mabitawan. Kaya pati sa pagpili ng magiging asawa ginagawa narin nila." May himutok nitong komento. "Uy may hugot ka ata." Biro ni Robert. "Hindi naman, nasabi ko lang." Sinabayan niya ng ngiti ang sinabi. "Tiyak matutuwa si Flor kapag nalaman ang sinabi mong labag sa kagustuhan ni Mr. Gutierez ang pagpapakasal niya." "Bakit naman?" "Dead over heels kaya siya kay Mr. Gwapo." "Teka, sino naman si Mr. Gwapo?" "Si Mr. Gutierez." "Bakit Mr. Gwapo?" "Gwapo nga raw eh. Siya ang nagbinyag ng pangalang iyon." "Ah, e ikaw hindi mo ba crush si Mr Gutierez?" "Noway ano! Boss ko siya bat ko papatulan." "Kahit manligaw sa iyo?" "Kahit yayain pa akong pakasal. Tsaka hindi ko pa nga nakikita ang boss nating iyon eh." Saka pa nagtawa si Berlyn. Nakitaan ng pananamlay si Robert ng mga sandaling iyon. Anong saysay pa kung ipakilala ang sarili kay Berlyn na siya at si Mr. Gutierez ay iisa kung malaki ang posibiledad na iwasan siya ng dalaga. Sayang lamang. Hahayaan na lamang niyang manatiling lihim sa dalaga ang kung sino talaga siya at patuloy na paniwalaing isa lang din siyang pangkaraniwang kawani ng kumpanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD