After office hours, nauna ng umuwi si Flor dahil may dadaanan pa raw ito. Mag-isang nag-aabang si Berlyn ng masasakyan pa-uwi.
"Kung bakit kasi ang hirap ng walang sariling sasakyan eh." Himutok nito. Malulugi naman siya kung sa tuwina ay magta-taxi. Talagang pinahihirapan siyang mabuti ng pangyayari sa buhay niya.
Nangilid ang luha sa kanyang mga mata nang biglang sumagi sa isipan niya ang kanyang mga magulang.
"Kamusta na kaya sila?" Naisip nito, mabilis niyang ikinurap-kurap ang mga mata upang hindi matuloy ang pamumuo ng kanyang mga luha. Namimiss na niya ang Cebu pati na ang kanyang mga magulang. Isa lang naman ang ayaw niya sa mga ito, ang diktahan sya kung sino ang kanyang magiging kabiyak.
Alam din naman niyang para sa kanyang magandang kinabukasan ang hangad ng mga magulang subalit hindi niya matanggap na maging ititibok at itatangi ng kanyang puso'y ididikta pa nila sa kanya.
Muli ay nilukob siya ng lungkot at sama ng loob sa mga alalahaning tinakasan sa kanyang bayan. Pinilit niyang maki-pag-sabayan sa mga nag-aagawan ng sasakyan. Nung una ay hindi siya sanay sa mabilisang pamumuhay sa kalakhang Maynila subalit kailangan niyang mag adjust. Naiinis na siya, lagi na lamang siyang naiiwanan at nauunahan.
Maya-maya ay may humintong sasakyan sa tapat niya, isang metallic dark gray na bagong modelong SUV, bumukas ang salaming bintana.
"Hop on." Nakangiting pagmamagandang loob ng driver.
Napataas ang kilay ng dalaga sa ginawa ng lalaki, hindi niya kakilala ito ngunit parang nakita na niya, hindi lamang niya alam kung saan.
"No, thanks!" matabang niyang tanggi.
"Come-on mahirap ang sasakyan pag-ganitong oras, aabutin ka ng dilim sa paghihintay diyan."
"No thanks, okay lang ako." Pilit ang ngiti ng dalaga pero halatang naiirita.
"Are you sure?"
"Yeah, thank you nalang."
Umalis na ang sasakyan at ni hindi nito hinabol man lang ng tingin.
"Presko!" naibulong pa ng dalaga sa sarili.
Tulad ng sinabi ng lalaki tila magkakatotoo, padilim na ay hindi pa ito nakakasakay. Bigla pa nitong naalala ang lalaking huminto sa tapat niya kanina at ang lalaking nakabangga nito kaninang pagpasok sa opisina.
"Ang lokong iyon, siya na nga, tama iisa sila." napapailing na naisip nya.
Muling nabalik ang pansin nito sa mga dumarating na sasakyan, hanggang ngayon ay wala pa itong nasasakyan, nangangawit na ang mga binti niya sa pagkakatayo at sa tingin niya ay hindi nababawasan ang mga pasaherong nag-aabang at lalo pa atang dumadami, ayaw naman niyang makipagsiksikan din sa MRT at hindi siya sanay kung walang kasama. Kung kasabay niya si Flor, may umaalalay sa kanya.
Kung bakit kasi umiral pa ang pride nang yayain siya ng lalaki kanina, ngayon heto at masakit na ang mga mata sa usok at katitingin sa mga sasakyang padating. Naisip nitong kung sakaling bumalik ulit yung lalaki at yayain ulit siyang sumakay ay papayag na siya hindi naman ito mukhang masamang tao, desente ang dating at hindi maikakailang guwapo at makisig. Bigla tuloy naisip niya ang deskripsiyon ni Flor kay Mr. Guwapo.
"Sana ay bumalik siya." Wala sa loob na naasam niya. At parang may extra sensory power ang lalaki, ikinagulat ng dalaga ang muling pagparada sa harap niya ng sasakyan kulay abo.
"Sakay na, mahirap talaga ang sumakay." May pag-aalalang sabi ng lalaki.
Nag-aalangan man, sumakay narin ang dalaga.
"Saan kaba?"
"Sa - - - Cubao." Naroon parin ang pag-aalanganin.
"Bakit walang sumusundo sa iyo? Sa ganda mong iyan delikado ang gabihin ka sa daan." Walang ngiting sabi ng lalaki.
"Te--- teka diba umalis kana kanina?" biglang naalalang tanong ng dalaga.
Ngumiti ang lalaki.
"Hinintay mo bang sadya na hindi ako makasakay?"
"I am just a concern citizen."
Lihim na nangiti si Berlyn sa tinuran ng lalaki.
"Gusto ko rin palang humingi ng despensa sa iyo kaninang nagkabanggaan tayo." Wika ng lalaki
"Iyon ba?"
"Hindi mo kasi tinanggap ang apology ko kanina."
"Ganoon ka ka-sincere?"
"Yeah."
"Wala na iyon, na-late lang kasi ako kanina at first time ko iyon kaya nagmamadali ako. I apologize too for the wrong manner, particularly sa pagtataray ko."
Ngumiti ang lalaki.
"I'm Robert." Pakilala ng lalaki.
"Berlyn." Matipid na pakilala rin ng dalaga
"Hi Berlyn, nice meeting you."
Ngumiti ang dalaga.
"Care for dinner?" suhestiyon ng lalaki.
"Ha?"
"Come-on, this is for a celebration. At hindi pa ako kumakain, nagugutom na ako."
"Celebration?" Nangungunot ang noong ulit ni Berlyn.
"For finding a new friend, don't we?"
Nangiti muli si Berlyn. "Weird." Ang sabi sa sarili.
Sa isang class restaurant sila huminto. Pumayag narin sya dahil gutom na rin. Mag-isa lang naman siya sa bahay kya kapag tumanggi pa, mag-aabala pa syang magluto pag dating sa tinutuluyan.
"Let's toast for an awful meeting, but a seamless evening." Sabay itinaas ni Robert ang baso. Napilitang makiayon si Berlyn.
"I am grateful because even though there's an hesitation in you, still you joined me for dinner. I hope this won't be the last." Saka ngumiti si Robert sabay ng cute na sulyap sa kanya.
"Basta sagot mo ang dinner, why not." Nakangiting biro ni Berlyn. Feeling niya nakagaanan na niya ng loob kaagad ang kausap.
"Sure." Nakangiting sang-ayon. "So, what makes you busy? Dugtong matapos uminom ng juice.
Napatingin sa kanya si Berlyn.
Napatingin din sa kanya ang kausap nang hindi sya sumagot. "What? Did I ask you wrong?" Takang tanong nito.
"I'm sorry ah, I don't think hindi pa tayo ganun ka close para sagutin ko ang tanong mo." Diretsahang tugon nito sa kausap.
Nangiti ang kausap. "So, we will just stare at one another while eating? Wika nitong nakangiti.
Ngumiti lang si Berlyn saka iniikot sa tinidor ang spaghetti saka isinubo.
"What topic do you want to talk about anyway?" Tanong ni Robert.
"Go ahead if you want to introduce yourself. Okay lang din naman if hindi."
"Tulad ng nabanggit ko na sayo kanina, I'm Robert." Nag-isip bahagya si Robert at bumuntung hininga at tila nagdalawang isip magpatuloy. Napatingin naman sa kanya ang nakikinig na dalaga.
"So, hanggang doon lang? I think, and we probably cannot go further." Medyo kunot noong konklusyong wika ni Berlyn na para bang alanganin din sa sinabi.
Ngumiti si Robert. "Hindi naman. I guess that, in friendship it is not really required to get to know each other well instantly."
Tumango-tango naman si Berlyn. Mas gusto niya ang idea ni Robert dahil ayaw niya ring malantad ang kanyang identity upang walang makakilala sa kanya at nang hindi matunton ng mga magulang ang kanyang kinaroroonan.
Nauwi nalang sa lasa ng spaghetti ang kanilang usapan at specialty ng restaurant na kanilang kinainan hanggang magyaya ng umuwi ang dalaga. Nagpilit naring ihatid siya ni Robert hanggang sa tinutuluyan niya.
"Is this your house?" Tanong ni Robert ng huminto na sila sa harapan ng tinutuluyang maliit na townhouse ni Berlyn.
"Inuupahan ko."
Inalalayan siyang bumaba ng sasakyan ni Robert.
"Hindi mo ba ako patutuluyin?"
"Ha? Pero gabi na, to be frank with you, I need to rest maaga pa ang pasok ko bukas." Walang atubiling tanggi ng dalaga.
"Kahit na pagkapehin mo lang ako?" Pilit ng lalaki. Napilitang papasukin ito ni Berlyn sa tingin naman niya ay mukhang mapagkakatiwalaan at hindi naman gagawa ng masama.
"Mukhang tulog na ang mga kasama mo sa bahay." Puna nito.
"Ako lang mag-isa rito." Sagot nito habang nagtitimpla ng kape, natigilan ito sa huling tinuran, 'bat ba niya iyon sinabi, baka may balak na masama ang weird na lalaking ito lalo na nang malamang mag-isa lang siya. Pero wala naman siyang makitang kakaiba sa kilos ng lalaki maliban sa sobrang palagay ang loob at very eager na maging kaibigan siya. Iniabot niya ang tasa ng kape kay Robert.
"Thank you."
"Sarili mo ba ang inuuwian mo?" Wala sa loob na naitanong ng dalaga saka naupo sa isang opposite sofa.
"Hindi naman, I have my mom and dad at home, and the maids."
"Kaya ba kahit anong oras ka umuwi? Hindi ka hahanapin?"
"I’m old enough."
"Sapat ba yon?"
"Sanay na sila sa akin, infact ganito na ako ever since."
"Ano nga pala ang ginagawa mo sa Makati kanina? May business deal kaba doon?" Naitanong ni Berlyn.
"Doon ka ba nagtatrabaho?" Imbis na sagutin ng lalaki ang tanong nito ay siya ang tinanong.
"Oo."
"Bago ka?"
"Mag ti-three months palang."
Nangiti ang lalaki. "Kaya pala bago ka rin sa paningin ko."
Ngumiti si Berlyn.
"Anong trabaho mo doon at saang department ka?" Muling tanong ng lalaki.
"Accounting Dept.."
Tumango-tango ang lalaki.
"Ikaw ano naman ang ginagawa mo dun?" Balik tanong ng dalaga.
"I am also working there."
"In what department?"
"Have plan to meet me there?"
"Ha!?" Hindi inaasahan ni Belyn ang ganoong tanong ng kausap. "Masyado na itong nakiki-close ah." Sa sarili lamang nasabi iyon ni Berlyn.
"Anyway, baka nakakaistorbo na ako sayo ng sobra, I have to go." Paalam ni Robert matapos maubos ang iniinom na kape.
"Buti at nakahalata ka." Naisa-isip ng dalaga.
"Thanks for the wonderful night meeting a wonderful lady. And thanks for the delicious coffee." Nakangiting wika pa ng lalaki saka na umalis.
"Loko talaga pa-wonder-wonderful pang nalalaman." Naiiling na nagsara na ng pinto ang dalaga.
Subalit hindi nga ba wonderful night ang maitatawag doon? Ang sumama siyang kumain sa labas sa lalaking muntik ng sumira ng araw niya? At pinatuloy pa niya sa loob ng bahay at pinainom pa ng kape kahit na puno ng kaba ang dibdib niya at ngayon ay sisira pa ng kanyang gabi. Kanina pa siya pabaling- baling sa higaan at tila sadyang ayaw mawaglit sa kanyang isipan ang mukha ng lalaking iyon.
Kinaumagahan, tamad na tamad siyang bumangon, marahil ay dahil sa kakaisip niya sa lalaki nung nagdaang gabi at anong oras na siya nakatulog. Pero bakit ngayon ay kagigising palang niya, ito na agad ang nasa isip. Maging ang pagpasok sa opisina ay earger din siya at nagbabakasakaling makita ulit niya ang wirdong lalaki. Ginayuma kaya siya nito?
"Hi, mukhang malalim ang iniisip mo?" Bati sa kanya ni Flor.
"Good morning Flor."
"Oh, really it's a very good morning, this is again a perfect morning." Hanggang tainga ang ngiti ni Flor.
"Hindi ko na itatanong kung bakit."
"Bakit naman?"
"Nagkita na naman kayo ni Mr. Guwapo ano?"
"Oo pero hindi iyon."
"O, e ano?"
"Dahil nakasabay ko na naman siya kanina sa elevator at ang bango niya grabe, amoy palang niya nakakainlove na. How I wish we could trapped together in the elevator for life." Saka pa ito kumilos na parang nangangarap.
"Hmn, ganon na nga iyon, ang babaw mo."
"Hindi mo pa kasi nakikita e."
"Kahit anong sabihin mo Flor hindi ko papangaraping mapansin ako ng Mr. Guwapo mo."
"Hmn, tingnan natin pag nakita mo siya."
"Flor, may kakilala ka bang Robert na nagtatrabaho dito?" maya-maya ay pag-iiba ni Berlyn hindi nito napunang nagtatanong s'ya ng ganoon kay Flor.
"Wala, bakit?"
"Forget it." Dismayadong sagot ng dalaga. "Ang lokong iyon at tila niloloko lang ata ako ng sabihing nagtatrabaho siya dito. Pero baka naman talaga hindi lang ito kilala ni Flor. Pero imposibleng hindi ito kilala ni Flor samantalang walang nakakaligtas sa kanya lalo pag gwapo." naisip ni Berlyn.
"Bakit? Sino sya?" May panunukso ang tanong ni Flor.
"Wala may nagtanong lang sa akin kanina." Paglilihim niya.
"Sigurado ka?" May dudang tanong ni Flor.
"Magbalik kana nga sa mesa mo." Pinandilatan pa niya ang kaibigan. Nangingiting may kahulugan namang bumalik si Flor sa mesa niya.