Naalimpungatan siya nang maramdaman niya ang dantay ng kamay ni Robert sa kanya. Napatingin siya dito. Mahimbing na natutulog si Robert sa kanyang tabi. Napabuntong hininga ito, tulad ng nasabi ni Lona, dalawang buwan na nga silang kasal, nakatira sa iisang bahay, magkasama sa iisang kuwarto at natutulog sa iisang kama. Pero, tulad ng kanyang hiniling kay Robert, dumidistansiya parin sila sa isa't-isa, alam niyang mahirap para kay Robert ang kanyang hiling, natutuwa siya at kahit papano ay iginagalang nito ang kanyang disisyon. Alam niyang marami siyang pagkukulang sa asawa, nararamdaman niyang si Robert ay hindi nagbago at lalo pa itong naging malambing sa kanya at maalalahanin. Kinakapa niya ang damdamin. Nararamdaman niyang nag-iba siya ng pakikitungo kay Robert, hindi kagaya ng dati n

