Dalawang linggo na siyang hatid sundo ni Robert at madalas ay sa labas na sila nagdi-dinner, katulad ngayong araw. "Sabi ko na sa iyo sa bahay nalang tayo kumain, puwede namang magluto si Linda, or if you want, puwede rin akong magluto para sa atin." Komento ni Berlyn habang hinihintay nila ang kanilang order. "It's a tiring day everyday, and I don't want you to exert effort if it is just the same when eating out." Nakangiting kinuha niya ang kamay ni Berlyn at isinuot dito ang isang mamahaling bracelet na kinuha mula sa bulsa sa loob ng kanyang suot na coat. "Wow! What is this for?" Nangingiting tanong ni Berlyn habang minamasdan ang isinuot na bracelet. "Wala namang okasyon diba?" Naalala tuloy niya ang pagbibigay sa kanya ng kuwintas noon ni Robert. "Actually, kinulit kasi ako kanin

