Natatawa na lamang siya sa mga pangyayari, umalis siya ng Cebu para may takasan, ngayon ay aalis siya ng Maynila para muli ay may takasan. Noon ay sakay na siya ng eroplano pabalik ng Cebu, hindi niya maipaliwanag ang damdamin, naroon ang excitement at naroroon din ang takot. Matagal din siyang nalayo sa nakasanayang lugar, ngayon heto siya at kahit hindi pa ganoon kahanda kailangan niyang maging matapang upang ang noong tinakbuhan ay haharapin at tatapusin na niya. Naalala niya ang pag-iyak ng makulit na si Flor ng mag-paalam siya. Tiyak na mamimiss din niya ang kaibigan. Mabilisan ang lahat ng kanyang naging disisyon dahil narin sa pag-iwas sa naging sitwasyon nila ni Robert. Sa bungad palang ng gate ng kanilang mala mansiong bahay, halos patakbo siyang salubungin ng kanyang ina, kasu

