Sa makalawa na siya ikakasal, pero heto siya ngayon at nilulunod ang sarili sa alak. Kung tutuosin, may pagkakataon pa siyang umurong kahit na kahihiyan ng kanilang pamilya ang nakataya. Kanina ay galing siya sa townhouse ni Berlyn, subalit ginabi na siya doon sa harap ng bahay ay wala siyang Berlyn na nakita at ayon sa napagtanungan, mahigit tatlong linggo na daw itong umalis ng bahay at ang sabi ay bumalik na ito sa Cebu. Gusto sana niyang kunin si Berlyn, itakas, o ang mas magandang salita ay itanan, pero ano pa ang kanyang magagawa, dahil mismong ang babaeng kanyang iniibig ay agad sumuko sa kanya. Nagulat siya ng mula sa kanyang likuran ay may umagaw ng basong kanyang iniinuman. "Bro, you don't have to drag yourself into hell with the use of that alcohol." Si Joseph, saka ito naupo

