ARAW NG KASAL, nakaupo sa loob ng bridal car si Berlyn, naghihintay nang hudyat mula sa wedding coordinator upang bumaba na siya ng sasakyan. Sa isang kilala at malaking simbahan ng Cebu ginanap ang kanilang kasal. Magandang-maganda siya sa suot na simple subalit eleganteng wedding gown. Kanina pa siya kinakabahan, kagabi ay hindi siya gaanong nakatulog. Ayaw man niyang isipin pero heto na iyon. At habang buhay na niyang haharapin ang disisyong kanyang ginawa. Inalalayan siya ng isa sa wedding coordinator ng bumaba siya sa sasakyan. Sadyang isinarado ang malaking pintuan ng simbahan para sa kanyang grand entrance. Alam niyang sa likod ng saradong pintuan ay may nagaganap na seremonyas. Maya-maya ay narinig niya ang boses ng isa pang coordinator mula sa loob. "Ladies and Gentlemen, and

