Pagkalapag niya ng Domestic Airport, naisipan niyang dumiretso sa opisina ni Robert upang maidaan na ang mga papeles na ipinakisuyo ng kanyang Papa upang mai-submit agad sa opisina ng asawa. Tumayo siya sa tapat ng elevator kasabay ang ilang empleyado, maya-maya ay bumukas ang pintuan ng elevator at isa sa mga sakay ay sina Robert at Blessy na nakaabresiyete pa kay Robert. "I'll just call you when I got home." Narinig pa niyang sabi ni Blessy kay Robert saka nagpaalam na ng makalabas sila ng elevator. "Take care." Bilin ni Robert at bumaling sa direksiyon kung saan nakatayo si Berlyn. Gulat na ngumiti siya kay Berlyn ng makita ito at ng hahakbang na palapit dito ay biglang may tumawag sa kanyang likuran. "Mr. Gutierrez." Lumingon si Robert at magiliw na binati ang isang kliyenteng tum

